ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na gawing P1,000 ang social pension ng indigent senior citizens mula sa P500.
Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga nakakatanda at sa kontribusyon nila sa mga komunidad.
Bukod sa increase sa social pension ng mga senior citizen, layon din ng panukala na magbigay ng opsyon bukod pa sa cash payouts para sa pension na makaabot sa mga target beneficiary at hindi sasagutin ng mga benepisyaryo ang transaction fee.
Sa konsultasyon ni Villanueva sa mga kasamahan at representante mula sa DSWD at Budget and Management, maging sa National Commission of Senior Citizens, Coalition of Services of the Elderly and Senior Citizens Sectoral Council, nagkasundo sila na ang kasalukuyang P500 monthly allowance ay hindi sapat para matugunan ang arawang pangangailangan at gamot ng mga mahihirap na senior citizens.
Kung ibabatay umano sa datos ng DSWD, aabot sa mahigit 3.8 milyon ang indigent Filipinos na may edad 60 at higit pa at sa P500 kada buwan, nasa P23.6 bilyon ang kasalukuyang allotment para sa social pension kada taon. (Daris Jose)
Binabati ng lahat ng pamunuan/Editorial Staff ng People’s Balita ang lahat ng bagong halal noong nakaraang eleksyon 2022 sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga Congressman sa unang Distrito Congressman Ernix Dionisio, ikalawang distrito Congressman Rolan Valeriano, ikatlong distrito Congressman Joel Chua, ikaapat na distrito Congressman Edward Maceda, ikalimang distrito Congressman Irwin Tieng, ika anim na distrito Congressman Benny Abante.
NAGING very professional si new Kapuso leading man Xian Lim.
WALA pang naitatakdang araw at petsa sa meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presumptive president Ferdinand Marcos Jr.
PASABOG si Darren Espanto ngayong 21 year old na siya.
NANINIWALA si Filipino boxer Nonito Donaire Jr na mas marami na improvements ilang linggo bago ang muling paghaharap niya kay Naoya Inoue sa Hunyo.
ANG 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang huling pagkakataon na nasilayan si Kiefer Ravena suot ang Gilas Pilipinas jersey sa SEA Games.