IBINUHOS ng mga taga- Nueva Ecija ang kanilang buong suporta para sa UniTeam sa muling pagbisita ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan sa pangatlong pagkakataon nitong Biyernes.
Sa kanyang talumpati sa SMDC, Barangay Sta. Arcadia, sa Emilio Vergara Highway, Cabanatuan City, pinuri ni Marcos ang lalawigan para sa kanilang maayos na pagpapatakbo ng agrikultura na aniya’y dapat magawa rin sa buong bansa.
“Kailangan nating ayusin ang ating agrikultura. Dito sa Nueva Ecija maayos ang patakbo ng agrikultura ngunit sa ibang lugar sa Pilipinas ay mayroon tayong kailangang gawin pa para pagandahin pa, upang maging sapat ang ating pagkain. Upang di tayo masyadong umaasa lang sa pag-import (kung hindi) meron tayong sapat na produksiyon para sa ating mga kababayan,” sabi niya.
Sabi ni Marcos, sa tulong ng buong UniTeam, kasama na ang kanilang mga senatoriables, malaki ang pag-asa na magawa nila ng kanyang running mate na si Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang mga plano para sa bansa.
“Ang dami nating hinaharap na problema ngayon. ‘Yung ating mga senador ay napag-usapan ang iba’t ibang nakikita nating dapat tugunan, dapat bigyan ng solusyon. Ang problema sa trabaho, problema sa pagtaas ng bilihin, paano po natin aayusin yan? Dapat tulungan natin ang maliliit na negosyante upang sila ay makabawi at makapagtrabaho muli,” sabi niya.
Muli niya ring binigyang-diin ang pangangailangan upang matugunan ang mga problema sa edukasiyon at health system sa bansa kasama na ang pagpapababa ng singil sa kuryente.
Para naman kay gobernatorial candidate at Palayan City Mayor Rianne Cuevas, tinawag niya si Marcos na susunod na presidente ng Pilipinas at sinuyo ang kanyang mga mamamayan na suportahan ang kandidatura ni Marcos.
“Huwag po nating kalimutan na iboto siya. Ang matalino, ang mabait, ang magiging presidente ng magandang Pilipinas! Bongbong Marcos!” sabi niya.
Nagpasalamat muli si Marcos sa mga taga-Nueva Ecija sa kanilang mainit na pagtanggap hindi lang sa kanya pati na rin sa buong UniTeam tuwing dumadalaw siya sa kanilang lugar.
“Maraming salamat sa inyong napaka-init na salubong na ibinibigay sa UniTeam at sa tambalang Marcos-Duterte,” sabi niya.
“Ngayong papalapit na tayo sa Mayo 9, iilang araw na lang… Kaya po, ako ay natutuwang habang tumagal ang aming kampanya ay dumadami po ang sumasama sa atin dito sa adhikain natin ng pagkakaisa,” sabi pa niya.
Matapos ang kanyang pagbisita sa Nueva Ecija ay agad na dumiretso si Marcos sa San Fernando, Pampanga para sa isa pang UniTeam rally kung saan kasama na niya si Inday Sara.
BILANG paghahanda, nagsagawa ng hands on training sa canvassing ng boto para sa presidential at vice presidential candidates ng May 9, 2022 national elections sa kamara.
KINILALA at pinapurihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng manggagawa sa kanyang huling Labor day message bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30.
INIHAHANDA na ng GMA Network ang isa pang malaking project, pagkatapos ng Voltes V: Legacy, ang Sang’gre na for sure ay muling ididirek ni Mark Reyes na nagdirek ng epic series na Encantadia.
HAWAK na ngayon ng American Olympian Shakur Stevenson ang The RING, WBO at WBC world super featherweight titles.
ANG representative ng Pasay City na si Celeste Cortesi ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2022 sa SM Mall of Asia Arena noong Sabado ng gabi.
INANUNSYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital ngayong Lunes, Mayo 2.
MAHIGIT 40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan sa May 9,2022 national and local elections.
MARAMI talaga ang nalungkot na wala sa coronation night si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Miss Universe Philippines 2022 na ginanap noong Sabado, April 30 sa SM MOA Arena.