DUMIPENSA ang Chinese foreign misnistry sa panibagong kontrobersyang kinasangkutan ng isang barko nila na nagsagawa ng close distance maneuvering sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa bisinidad ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong unang linggo ng Marso ng taong ito.
Ayon sa China ang naturang parte ng karagatan ay bahagi raw ng kanilang teritoryo.
Umasa raw ang China na igagalang ng Pilipinas ang kanilang soberenya, karapatan at interes sa ilalim ng domestic at international law lalo na ang bahagi raw ng Scarborough Shaol.
Ang naturang pahayag ay ginawa ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin sa isang press conference bilang sagot sa ulat na inilabas ng PCG.
“Huangyan Dao (Panatag Shoal) is China’s inherent territory. China has sovereignty over Huangyan Dao and its adjacent waters as well as sovereign rights and jurisdiction over relevant waters,” ani Wang. “We hope that the Philippine ships will earnestly respect China’s sovereignty and rights and interests, abide by China’s domestic law and international law, and avoid interfering with the patrol and law enforcement of the China Coast Guard in the above-mentioned waters.”
Una nang kinondena ng Phil. Coast Guard ang ginawa ng Chinese vessel na panibagong pambu-bully.
Anila, napakadelikado raw nito dahil sa sobrang lapit nang pag-manuever ay pwedeng humantong sa banggaan ng dalawang barko. (Daris Jose)
PORMAL nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise.
LABIS-LABIS ang pasasalamat ng game show host na si Willie Revillame nang ipaalam na niya last Monday, March 28, ang result ng tests para ma-detect if he has cancer.
NATAPOS na ng Vietnam ang mga playing venues mahigit 40 araw sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games.
MATAPOS ang rollback noong nakalipas na linggo, muling sisirit sa araw na ito ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sanhi ng hindi pa nareresolbang banggaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
SA YouTube vlog ni Celeste Tuviera, ipinagtapat ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na ang asawang si Dingdong Dantes, ang talagang sagot ng Diyos sa kanyang mga dasal.
HALOS 17,000 mga Russian troops na ang napatay sa Ukraine sa ngayon ayon sa isang Ukrainian General Staff.
TARGET ng Department of Education (DepEd) na taasan ang bilang ng enrollment sa hanay ng mga mag-aaral na may kapansanan.