• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2022

Mahigit 28-K kababaihan nag-apply para maging train driver sa Saudi Arabia

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA mahigit 28,000 na mga kababaihan sa Saudi Arabia ang nag-apply para maging driver ng train.

 

 

Ayon sa Spanish rail company na Renfe, matapos ang kanilang anunsiyo na nangangailangan sila ng nasa 30 babaeng train drivers ay laking gulat nila na umabot sa mahigit 28,000 ang nagsumite ng kanilang application letter.

 

 

Ang mapalad na mapipili ay magmamaneho ng high-speed train mula sa holy cities ng Mecca at Medina matapos ang isang taon na pagsasanay.

 

 

Magugunitang iniatas ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman ang pagpayag sa mga kababaihan na magmaneho ng mga sasakyan at magtrabaho.

Canada inaprubahan ang paggamit ng Novavax COVID-19 para sa mga taong may edad 18 pataas

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Canada ang Novavax Inc. COVID-19 vaccine para sa mga taong may edad 18 pataas.

 

 

Ito na ang pang-limang bakuna na gagamitin sa nasbing bansa.

 

 

Ayon sa Health Canada na wala pa silang datus kung epektibo ba ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pababa.

 

 

Gumagamit kasi ang Nuvaxovid ng mas matibay na teknolohiya kaysa sa mRNA na karamihang ginagamit sa COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech at Moderna.

 

 

Umaasa ang mga eksperto sa Canada na sa nasabing bakuna ay makakakumbinsi sila ng mas maraming mga tao na takot o ayaw magpabakuna.

Ads February 19, 2022

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza.  

 

 

Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila.

 

 

Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa social media nito, sa ideal world, dapat nga siguro.

 

 

Pero posibleng moving-on process nito ang mga pino-post sa social media. Posible rin na paraan niya ng “pagresbak?”  ‘Yan ay kung totoo ang mga assumption na may ibang babae si Carlo.

 

 

Pinaniniwalaan ng mga netizens na tila patama muli ni Trina sa actor ang bagong Instagram post nito.  Video ng nanay habang nagbi-breastfeed ng anak sa kalagitnaan ng pagtulog.

 

 

Tila sinasabi nito kung gaano kahirap bilang nanay habang ang tatay mahimbing matulog at may ibang babae pa raw na iniisip.

 

 

Ang caption nga nito, “Same age kay Mithi yung baby. 8x gumising yung mom to feed the baby.  Kaya sa mha nagtatanong kung namumuyat pa yung ganitong age, gumigising pa din sila ng ilang beses but milk lang okay na. 

 

 

“Yung tatay ang himbing lang ng tulog ‘tas ‘pag gising ibang babae pa iniisip niyan.”

(ROSE GARCIA)     

‘Double cross’ sinisilip sa pagkawala ng 29 sabungero

Posted on: February 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN ngayon ng Phi­lippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibilidad na ‘double-cross’ ang motibo sa pagkawala ng 29 sabungero sa Metro Manila at tatlong probinsiya.

 

 

Ayon kay CIDG Dir. Albert Ferro, lumilitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na  ‘tyope’ o “ double cross” ang ugat ng mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

 

 

Paliwanag niya sa ‘tyope,’ ang mga sabungero ay tumataya sa manok ng kalaban sa halip na sa kanilang mga panabong.

 

 

Ang unang insidente ay sa Manila Arena noong E­nero 14 at sinundan pa ng katulad na insidente sa Laguna, Batangas at Rizal.

 

 

Dagdag pa ni Ferro, may isang operator na umatras sa taya na P200 milyon at hindi na rin ito matagpuan.

 

 

Karamihan din aniya sa mga nawawala ay sangkot sa  online sabong.

Bolick, Ravena bibida sa 21-man Gilas pool

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN nina Philippine Basketball Association (PBA) veteran Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort at Japan B. League star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng San-En ang 21-man Gilas Pilipinas training team na huhugutan ng 12-man Gilas Pilipinas na didribol para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Pebrero 24-28.

 

 

Ito ang isiniwalat Martes ng gabi ng FIBA sa pool na buhat sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tatayong punong abala ng apat na araw na okasyon sa parating na Pebrero 24-28.

 

 

Bukod sa dalawang stalwart cager, swak din sa listahan ang mga taga-TNT ng PBA rin na sina Jayson William Castro, Kelly Williams, Jeth Troy Rosario, John Paul ‘Poy’ Erram, Ryan Jay Reyes, Jay-jay Alejandro, Gabriel ‘Gab’ Banal, Carl Bryan Cruz, Matthew Allen ‘Matt’ Rosser, Kib Montalbo, Brian Heruela at Glenn Khobuntin.

 

 

Ang iba pa ay kinabibilangan nina Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame, JBL campaigners Dwight Ramos ng Toyama Grouses at Juan Gomez de Liano, Will Navarro, Lebron Lopez, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab.

 

 

Unang makakabangga ng Pinoy quintet and South Korea sa Peb. 24, India sa Peb. 25, New Zealand sa Peb. 27, at mga Koreano uli sa Peb. 28. (CDC)

Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot magpabakuna.

 

 

Sa ngayon aniya, umabot na sa 3,212 na mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ang Navobakunado na kontra Covid-19 sa lungsod.

 

 

Sabi pa niya, kung nabakunahan ang inyong anak noong nakaraang linggo, hintayin lamang po ang abiso mula sa pamahalaang lungsod kung kailan ninyo makukuha ang kanilang Happy Meal.

 

 

Muli niyang hinihikayat ang mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang kanilang mga anak para mabigyan sila ng proteksyon laban sa sakit.

 

 

Noong nakaraang Linggo ay personal na sinamahan ni Congressman John Rey Tiangco, kasama ang kanyang misis ang kanilang tatlong anak na edad 8, 10 at 11 sa Navotas City Hospital para magpabakuna kontra sa nakakamatay na virus.

 

 

“Alam po natin na walang pinipili ang Covid kaya panawagan ko sa mga magulang at mga guardian na pabakunahan na ang mga bata para sa kanilang proteksyon kontra sa naturang sakit at maihanda sila sa pagbubukas muli ng face to face classes,” pahayag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)

ANGELICA, nagpasalamat pa sa basher na apektado sa pag-iingay ng isang ‘starlet’ at ipinagtanggol ng netizens

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa nag-viral na naman ang video ni Angelica Panganiban na tungkol pa rin sa pagiging wais na pagboto sa paparating na May 2022 national elections, may isang basher na tinawag siyang ‘starlet’.

 

 

Nagbabala kasi ang Kapamilya actress sa mga botante ng, “Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.”

 

 

Kaya ngayong eleksyon, mag-ingat daw tayo sa scammers dahil naglipana na ang mga yan, bukod pa yan sa mga fake bookings o manlolokong online sellers.

 

 

Sabi pa ni Angge, “Iwasan ang mga nangangako ng gold. Mambubudol yan. ‘Wag na tayong magpauto.

 

 

At higit sa lahat, “wag bumoto ng magnanakaw!” sabay sabi ng, “Cheers!”

 

 

Kaya naman, matapang na nilait ng netizen si Angge sa pag-repost na public service video ng kaibigan at direktor na Andoy Ranay sa Twitter account niya.

 

 

Ayon sa deleted tweet ng user na may name na @SunWiLd01 na kung saan naka-tag pa si Angelica, “Isang starlet Nanaman po Ang nag iingay @angelica_114 (laughing emojis).”

 

 

Tweet ni Angelica bilang sagot sa basher, “Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin. (heart emoji).”

 

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa sagot ni Angelica, na karamihan ay hindi matanggap na tinawag ang aktres na isang ‘starlet’ dahil kabilang nga siya sa mga A-lister actress.

 

 

Comments nila:

 

“Ha ha. Go Angge. Love your confidence.”

 

“If Angelica is called a starlet, ano na lang ang iba? Haha!”

 

“Paki define nga ang starlet, sunod paki define ang bitter hahahaha jusko barking at the wrong tree.”

 

“She’s not a starlet. Yung idol mo ang starlet. Don’t disrespect Becky like that. Hindi ka pa pinanganak, minamaltrato na sha Ni ms minchin lol.”

 

“Angge sometimes get on my nerves pero c’mon, she’s not a starlet. She practically grew up in the industry.”

 

“Kahit ano inis mo kay angge hindi mo maitatanggi na sya ay A lister at hindi starlet.”

 

“Angelica is an A-lister pinagsasabi mo jan, ang a lister tumatatak, yung isang indie movie nga nya kumita ng 250 million indie movie lang yan ha, kumikita ang movies nya at serye nya.”

 

“Ay naalala ko yung nagcomment ng “not interested” dun sa isang article dito. Secondhand embarrassment nung nabasa ko lol.”

 

“Alam ba ng basher yung definition ng starlet kasi, obviously, that word does not apply to Angelica. Marami na siyang napatunayan kaya nga kaya na niya mag retire sa teleseryes eh.”

 

“Starlet ba yung naglelead role sa mga teleseryes at movies.”

 

“Love Angge. Just clever.”

 

“Dont like Angge sometimes pero aminin naten she’s a top celeb. Her tax can tell!”

 

“Kahit naman di ko bet yang si Angelica, very wrong na tawagan syang starlet. Bagets pa yan sikat na yan at may ibubuga sa aktingan.”

 

“She’s not a starlet and she’s not a superstar but she’s definitely a big star!”

 

“Kahapon lang ata pinanganak yung basher lol. And agree ako sa iba, kahit di mo gusto si Angelica… she’s not a starlet and definitely an A-lister.”

 

“She’s one of the biggest stars of her generation, award winning comedy and drama actress sya, kumikita rin ang mga movies nya, may 300M 350 M 200M 250M sya na kita ng movies.”

 

“Realtalk lang: NEVER naging starlet si Angelica. Child star pa lang pero superstar na sya, sila ni Camille actually. Joker yata yang nagcomment na yan.Hindi sya starlet, hello. May starlet ba na may acting awards, commercials, lead roles sa serious movies and seryes?”

 

“Angelica knows that she will be bashed by doing the 2 videos on educating the people as to whom to elect this coming May. This is her small contribution to wake up people who get’s manipulated by fake news and trolls. I applaud her on doing this risky deed.”

(ROHN ROMULO)

NATO duda na umalis na ang mga sundalo ng Russia sa border nila ng Ukraine

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUDA si North Atlantic Treaty Organization (NATO) secretary general Jens Stoltenberg na pinaatras na ng Russia ng ilang sundalo nila na unang itinaglaga sa border nila ng Ukraine.

 

 

Sinabi nito na patuloy ang kanilang gagawing defensive strategy sa ilang bahagi ng Europe.

 

 

Hindi rin aniya sila nagsasawa na hikayatin ang Russia na makipag-usap sa kanila at idaan sa diplomatic solution ang nasabing problema nila sa Ukraine.

 

 

Nauna rito sinabi ni Russian President Vladimir Putin na kanilang pinabalik sa base nila ang mga sundalo dahil natapos na umano ang isinagawa nilang military exercise sa Belarus.

 

 

Pinabulaanan naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang sinabi nito na Putin dahil wala silang nakikitang pagbawas ng mga sundalo sa kanilang border.

2 seniors, 7 pa, kalaboso sa P694K shabu sa Malabon

Posted on: February 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinabagsakan ng siyam na bagong identified drug personalities, kabilang ang 63-anyos na lola at 61-anyos na lolo matapos makuhanan ng halos P.7 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, alas-2:40 ng madaling araw isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ang buy bust operation sa Womens Club St., Brgy. Hulong Duhat matapos ang natanggap na impormasyon mula sa kanilang impormante hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni Lynne Matin-ao alyas “Maya”, 21 ng Navotas City.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang P3,500 marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic schet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama sina Coney Soria, 46 at Raymond Gaspar, 28, na kapwa nakuhanan ng tig-isang plastic sachets ng hinihinalang shabu.

 

 

Ani PMsg Randy Billedo, tumitimbang ng humigi’t kumulang sa 65.20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P443,360.00 ang nakumpiska sa mga suspek at buy bust money.

 

 

Nauna rito, alas-11:30 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy bust operation sa Lapu- Lapu Avenue corner Dalagang Bukid St., Brgy. Longos sina Lorena Estavillo alyas “Daisy”, 63, Arjay Ungui alyas “RJ”, 28, Reynaldo Castillo, 41, Albert Desabille, 39, at Zaldy Manio, 61.

 

 

Sinabi ni PSSg Jerry Basungit , tinatayang nasa 29 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php197, 200.00 ang narekober sa mga suspek, kasama ang P500 marked money.

 

 

Nasa 8 grams naman ng hinihinalang shabu na nasa P54,400.00 ang halaga at P500 buy bust money ang nasamsam ng mga operatiba kay Pol Bryan De Jesus, 35, matapos madakma sa buy bust operation sa Rizal Ave. Extention Brgy.Tañong alas-2 ng madaling araw.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)