MAY pakilig si Bea Alonzo sa bagong upload niya sa kanyang YouTube account. Pinagbigyan na nito ang matagal nang nire-request sa kanya ng mga subscribers na interbyuhin si Dominic Roque.
Mas seloso daw si Dominic sa kanilang dalawa. Pero ayon kay Bea, ang pinagseselosan daw ni Dom ay hindi tao o lalaki, kung hindi oras.
So meaning, may time na kulang ba ang oras ni Dominic kay Bea?
“Hindi kasi ako multi-tasker. So kapag may ginagawa ako, do’n lang ako, para ‘kong kabayo. Yun lang talaga ko.”
Pero inamin din ni Bea na selosa rin siya. Hindi rin daw sa tao, pero nagseselos daw siya kapag may ibang pinagsisilbihan si Dominic.
“Kasi feeling ko dapat ako lang, special dapat ako,” sey ni Bea.
Ang aliw, inamin nila na ang first kiss daw nila ay sa bahay ni Bea naganap. At si Bea ang nag-initiate.
“Hinatid niya kasi ako, eh, ang sakit ng paa ko no’n dahil maghapon akong naka-heels. Ang ginawa niya, minassage niya ang paa ko. Nakatayo na kami, kiniss ko siya. Parang nahiya pa siya, nagkatawanan kami.
“Pero after, kiniss na niya ko ng totoo. Oo na, ako ang unang nag-kiss! Ha ha ha!”
Ipinaliwanag din ni Bea kung bakit matagal bago nila isinapubliko na officially, sila na nga. Kahit daw sa mga closest friends nila, hindi rin pala ito agad sinabi ni Bea.
Ang dahilan, gusto rin daw niyang makasigurado na kaya niyang tayaan ang boyfriend.
Sey pa niya, “Actually, napapagod na ‘kong magkamali sa harap ng publiko. Kasi parang paulit-ulit akong nakikita ng mga tao na nai-in-love, tapos magbi-break.
“Masakit din na ‘yung mga tao, naba-bash ka. Masakit din na masabihan na maybe there’s something wrong with you kaya ‘di nag-work ang relationship.
“Ikaw pa ang mabi-blame.”
And it seems, posibleng kasalan na ang ending ng BeaDom talaga.
***
KAARAWAN ni Kris Aquino ngayon at Valentine’s Day at dahil alam na rin niya na siguradong marami ang magpapadala sa kanya ng mga materyal at mamahaling regalo, kasama na ang sangkaterbang bulaklak, inunahan na ni Kris ang lahat.
At dahil nga sa sakit niya kunsaan, tutuloy na silang mag-ina sa U.S. para ipagpatuloy ang pag-konsulta sa kanyang autoimmune deficiency at sa rami raw ng mas may nangangailangan, nakiusap ito na kung may gustong iregalo sa kanya na prayer na lang.
“Best birthday gift you can give me – please don’t spend more money on me, nakakahiya, and I feel insensitive to the needs of our fellow Filipinos.”
Pero ang palaisipan sa lahat, kung sino ang taong ipinapakiusap ng lahat na ipagdasal muna raw bago siya. Walang hint kung sino ang taong ito pero res Petuhin na lang daw ang privacy ng taong ito at mas unang ipagdasal kesa sa kanya.
Marami naman ang nagsabing ipagdarasal nila ang request ni Kris pero may mga nagsabi rin dito na sana raw, sabihin na ni Kris kung sino ang taong ito dahil sa prayer naman daw, dapat ay specific talaga.
(ROSE GARCIA)
PORMAL nang inendorso ng pinamalaking Catholic charismatic group sa bansa na El Shaddai, na may mahigit anim na milyong miyembro sa buong mundo, ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running -mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa darating na halalan.
SINABI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maaari nang parusahan ang mga taong nabigo na maghain ng kanilang income tax returns sa ilalim ng umiiral na tax regulations.
SASAMANTALAHIN ni Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso ng Japan ang pagdayo ng ng 73rd LPGAT 2022 Leg 4-5 sa Marso sa Southeast Asia sa papasok na buwan sa Singapore at Thailand. Kaya maaga siyang aalis sa pinagbabasehang Estados Unidos sa pagbisita muna sa sa mga kamag-anak, tagasuporta’t kaibigan sa ‘Pinas sa buwang ito bukod pa sa makapag-inspirasyon at motibasyon sa mga Pinoy.
MULING inulit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang panukala nito na ide-escalate ang quarantine status sa National Capital Region sa mas mababang Alert Level 1.
TUNAY namang nakagigimbal sa lahat ng aspeto, lalo na sa mundo ng relihiyon, kung sakaling matuklasan (o aminin na ng gobyerno) na tunay ngang may mga nabubuhay na nilalang sa ibang planeta sa malayong kalawakan.
AMINADO si Direk Victor Villanueva na nakilala sa award-winning at cult-favorite na Patay na si Hesus, na ang American Pie ang peg niya sa Boy Bastos na pinagbibidahan ni Kenkoy Heartthrob Wilbert Ross.
SINA professional boxer Jessel Mark ‘Magnifico’ Magsayo at national women’s football team ang mga nagpasimula sa pasiklab ng mga atletang Pinoy sa 2022 nang maghati sa karangalan sa Enero.
NAGPOSTE si Ernest John ‘EJ’ Obiena ng season best 5.81 meters sa pangatlong torneo ngayong taon upang mahagip ang gold medal sa men’s pole vault event ng Orlen Cup sa Poland Biyernes (Sabado sa ‘Pinas).