• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2020

Saso magaling, malakas na babalikwas sa 2021

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021.

 

Ipinangako ito ng 19-anyos na bagitong top Philippine pro player kasunod nang pagmintis sa ibabaw ng Player of Year (Mercedes rankings) sa paglulunsad ng kanyang career sa mayamang region’s circuit na natapos nito lang Linggo.

 

“Marami akong natutunan at nagpapasalamat ako sa opportunity (na makalaro sa Japan Ladies Professional Golf Association),”  wika ng Fil-Japanese na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan Lunes makaraang pumang-anim sa huling torneong  JLPGA Tour Championship Ricoh Cup sa taong ito sa Miyazaki Prefecture.

 

Pumangalawa ang dalagang nakabase sa ngayon sa Tokyo na si Saso kay Ayaka Furue, pero namayagpag sa money list ng Tour, na naghayag nang mas maraming torneo sa papasok na taon kasama ang mga kinansela sa kasalukuyang taon dahil sa Covid-19.

 

Lumikom ang 20-taong-gulang na si Furue sa 14 tournaments ng 1371.78 points, sa mapuwersang pagtatapos sa pagkopo ng mga korona sa Itoen Ladies at Daio Paper Elleair Open at pumangalawa sa JLPGA Ricoh Cup huling tatlong laro.

 

Si Saso’y nakadalawang sunod trono rin sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies noong Agosto August, bago napakawalan ang POTY kay Sakura Koiwai at binawi sa pagpangalawa sa Toto Classic noong Nobyembre sa 1146.85 pts. (REC)

Ads December 2, 2020

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Gilas Pilipinas nasa unang puwesto na matapos ma-sweep ang Thailand

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nasa unang puwesto na sa Group A ng FIBA Asia Cup ang Gilas Pilipinas matapos talunin ang Thailand, 93-69.

 

Mayroon na kasing tatlong panalo at wala pang talo ang Gilas.

 

Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na ang national players ng bansa sa laro na ginanap sa Manama, Bahrain.

 

Hindi pinayagan pa ng Gilas na makalamang pa ang Thailand.

 

Napababa pa ng Thailand ang kalamangan sa 14 points subalit hindi pa rin nawala ang pagiging agresibo ng Gilas.

 

Bumida sa panalo ng national team si Javi Gomez de Liano na nagtala ng 19 points, habang ang kapatid nitong si Juan ay mayroong 14 points.

 

Sinabi ni Gilas coach Jong Uichico, ayaw niyang maging kampante ang Gilas dahil sa tinambakan nila ang Thailand sa unang laro nila noong nakaraang Linggo.

 

Nitong nakalipas din na Sabado, inilampaso din ng Indonesia ang Thailand.

 

Samantala ang next window ng qualifiers ay sa Pebrero na ng sunod na taon at posibleng ilang PBA players na ang makasama sa team.

2 pushers kulong sa baril at shabu

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher).

 

Ayon kay Col. Mina, dakong 7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa bahay ni Ponayo sa No. 25 Marulas B, Brgy. 36 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, isang cal. AR type 9mm pistol na kargado ng limang bala.

 

Sinabi ni Col. Mina, ang operation ay nagmula sa impormasyon na isiniwalat ng isang drug suspect na naaresto ng mga operatiba ng SDEU sa kanilang dating operation.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)

Mga kabataan, puwede na sa malls-Sec. Año

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls ang mga kabataan  basta kasama ang kanilang mga magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun sa ipinag-utos natin na puwede nang gradual expansion ng age group para makalabas ang mga minor.”

 

Subalit, kailangan na maglalabas ng ordinansa ang mga lokal na opisyal tungkol sa pagluluwag ng patakaran para sa mga kabataan.

 

Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong  Duterte, na nasa ilalim ng GCQ mula  Disyembre 1 hanggang 31 ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City.

 

Ang iba pang bahagi ng bansa ay nakapailalim sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ)

 

Matatandaang, inirekomenda ng Department of Trade and Industry sa Inter-Agency Task Force na payagan na ang mga batang edad pito pataas na mapasok sa mall para kumain at bumili ng pangangailangan na kasama ang mga magulang.

 

Pero mananatili namang sarado ang mga palaruan sa mga mall para maiwasan pa rin ang hawahan ng virus. (Daris Jose)

Psalm 86:11

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Teach me your ways, O Lord, that I may live according to your truth.

Tsukii, Didal sumikwat ng medalya

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Humirit ng medalya sina Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii at Asian Games skating gold medalist Margielyn Didal sa kani-kanyang international tournaments.

 

Ginulantang ni Tsukii si World No. 6 Valeria Kumizaki ng Serbia upang masikwat ang ginto wo­men’s -55 kgs. sa isang pocket tournament sa Arandelovac, Serbia.

 

Sa kabilang banda, nagkasya sa pilak na medalya si Didal sa Madrid Urban Sports Tournament na isang virtual event para sa skateboarding.

 

Lumasap ang World No. 14 na si Didal ng 0-5 upset loss kay World No. 43 Nanaka Fujisawa ng Japan sa championship round ng event.

 

Pumabor sa Japanese bet ang lahat ng limang huradong sina Anthony Claravall, Danny Wainwright, Jesus Fernandez, Vanessa Torres at Alex Braza para makuha nito ang ginto.

 

Nakapasok sa finals si Didal nang payukuin nito sina World No. 28 Marina Gabriela sa first round at World No. 8 Gabriela Mazetto sa semifinals.

 

Nanaig naman si Fujisawa kina World No. 5 Candy Jacobs at World No. 2 Rayssa Leal para makahirit ng puwesto sa gold-medal match.

 

Parehong naghahabol sina Tsukii at Didal na makahirit ng tiket sa Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.

PDu30, magiging abala sa trabaho sa Malakanyang hanggang bago mag- Christmas break

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pahinga at mananatiling sabak sa trabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang bago mag- Christmas break.

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nitong pagkakaabalahan niya ang tambak na mga dokumento na kailangang basahin at pirmahan.

 

Ang dalangin lang ng Pangulo ay wala sanang bagyo pagsapit ng Pasko dahil siguradong  hahanapin siya ng publiko.

 

Aniya, ito na ang pinakamatagal niyang ginawang pamamalagi sa Malakanyang.

 

Karaniwan naman sa Pangulo na mamalagi sa Davao tuwing araw ng Pasko at bumabalik na lang sa Maynila ng Bagong Taon.

 

Sa kabilang dako, ang pangako naman ng Punong Ehekutibo ay  magbibigay siya ng talk to the people tuwing araw ng Lunes para malaman ng taong bayan ang ginagawa ng pamahalaan kontra Covid -19.

 

“So sa mga kababayan ko, medyo naibigay ko na ‘yung input sa inyo sa mga araw na ‘to. I’ll be back every Monday ata. So nandito ako. I’ll stay here for the longest time before Christmas. Sana huwag na magkabagyo-bagyo. Hanapin na naman tayo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG DOH-CALABARZON, PINANGALANAN NA

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY bago nang itinalagang Regional Director ng DOH-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ) sa katauhan ni Dr Paula Paz M. Sydiongco.

 

Si  Sydiongco ay itinalaga ni DOH Secretary Francsico T. Duque bilang bagong Officer-in-charge ng Regional Office, CALABARZON bilang kapalit ni RD Eduardo C. Janairo na nagretiro nitong November 20, 2020 sa edad na 65.

 

Si Syndiongco ay kasalukuyang Assistant Regional Director  ng DOH-CALABARZON kung saan sa ilalim ng Department Personnel Order No. 2020-2683, gagampanan niya ang resposibilidad bilang Regional Director at tatanggap ng kaukulang benepisyo at pribelihiyo.

 

Sinabi ni Sydiongco na tubong Tacloban City at may 33 taon na sa serbisyo sa health department   na ipagpapatuloy nito ang mga programa at mga sistema na inumipsahan  ni Janairo.

 

“I will continue the health innovations and development programs to improved health policies and systems started by Director Janairo and ensure that health services will improve people’s health, focusing on the needs of vulnerable populations,” she stated.

 

Nakamit ni Sydiongco ang kanyang medical degree sa  Cebu Doctor’s College of Medicine noong 1980. Nag-Masters ng Public Health sa  University of the Philippines – College of Public Medicine noong 1990 at Masters in Business Administration sa Development Foundation College noong  2019.

 

Kabilang sa mga posiyon na hinawakan niya ay Medical Parasitologist, Rural Health Physician, District Medical Officer, Provincial DOH Representative, Division Chief at kasalukuyang Director III.  (GENE ADSUARA)

May aklat na si Diaz

Posted on: December 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINABATID ng Rio de Janeiro, Brazil 31st Summer Olympic Games 2016 women’s weightlifting silver medalist na si Hidilyn Diaz ang nakatakdang paglabas ng kanyang aklat na may pamagat na “Ginto’t Pilak” hinggil sa sariling talambuhay.

 

Ginawa ng 29 na taong gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City ang anunsiyo sa kanyang Instagram (@hidilyndiaz) post nitong Linggo, Nobyembre 29.

 

Ayon sa Rome World Cup 2020/Indonesia 18th Asian Games 2018 gold medalists at Philippine Weightlifting Association , Inc. (PWAI) No. 1 hoister, inaalay niya sa mga kabataan ang kanyang libro.

 

At sigurado ring makapagbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa lahat ito upang maabot ang mga pangarap ng bawat isa sa buhay o sinumang makakabasa ng kabuuan tungkol sa buhay niya bago naating ang pagiging bayani sa sports, o mahusay na atleta at sundalo.

 

“Ginto’t Pilak is a book about the story of my life,” caption ng Chavacano lifter. “Its a book of inspiration, a story of a young girl who started weightlifting by curiosity and after 16 years she brought home the silver medal in Rio de Janeiro Olympics for Philippines.”

 

Lumipat na sa Malacca ang 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 gold winner na si Diaz tapos matengga noon pang Marso sa Kuala Lumpur, Malaysia nang pumutok ang lockdown dahil sa Covid-19.

 

Patuloy ang kanyang training camp kasama ang Chinese coach, Guaminian therapist sa misyong mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 bunsod ng pandemic.

 

Wala pa man akong ideya sa aklat, naniniwala ang O-D na mabuting mabasa ng mga bata ang pinagdaanang hirap ni Hidilyn bago niya narating ang rurok ng tagumpay. Sana gawin itong supplementary reading materials ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd). (REC)