Kumpiyansa si House Ways and Means Chairman Joey Salceda na sa ilalim ng House Bill 8059 o Bayanihan to Rebuild as One Act ay tataas ang GDP baseline ng bansa sa 2021 sa 1.90% at magreresulta ito sa 78,000 na trabaho.
Pangunahin target na tugunan sa bersyon ng Bayanihan 3 na inihain nila Salceda, Majority Leader Martin Romualdez at AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin ang bakuna laban sa COVID-19 at pagbibigay ng relief para sa mga kababayang apektado rin ng sunud-sunod na bagyo.
Sa P302 Billion proposed budget sa Bayanihan 3 ay P75 Billion dito ang ilalaan para sa procurement ng COVID-19 vaccine dahil sa kalagitnaan ng 2021 inaasahan ang mas malaking pangangailangan para sa bakuna, gamutan at recovery ng mga magkakasakit.
Samantala, P90 Billion naman ang natukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pangangailangan para sa mga sinalanta ng kalamidad.
Ang House Bill 8031 o Bayanihan to Arise as One Act ni Marikina Rep. Stella Quimbo naman ay isinusulong ang dagdag na P400 Billion para sa susunod na taon.
Tinukoy ni Quimbo na hindi sapat ang P4.5 Trillion na 2021 national budget para tugunan ang lahat ng pangangailangan sa pandemya.
Kailangan aniyang gumastos ng malaki ang gobyerno sa susunod na taon upang matiyak ang muling pagikot at tuluy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya.
Aabot sa P400 Billion ang dagdag na budget spending sa ilalim ng Bayanihan 3 ni Quimbo kung saan P330 Billion dito ay para sa COVID-19 response habang P70 Billion naman ay para sa disaster response.
Sa pondong ito, P25 Billion ang para sa COVID-19 vaccines, P70 Billion para sa ayuda, P30 Billion sa mga displaced workers, P5 billion pesos para sa internet allowances ng mga guro at mga magaaral, P100 billion para sa worker subsidies at 100 billion para sa ibang industriya na apektado ng pandemya. (ARA ROMERO)
Muling nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan (PUVs) na magpa-rehistro at lumahok sa “Service Contracting Program” na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
THE new Filipino movie, Finding Agnes is now headlining on Netflix.
UNANG pagkakataon na makakasali ni Direk Adolfo Alix, Jr. sa mainstream section Metro Manila Film Festival via Coming Home, produced by Maverick Films at pinagbibidahan nina former senator Jinggoy Estrada at award-winning actress Ms. Sylvia Sanchez.
SIMULA Disyembre 1 ay isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa General Community Quarantine (GCQ) ang Davao del Norte.
Posibleng dahil sa mga evacuation centers kaya bahagyang tumaas ang kaso ng may COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Walang dapat ipangamba ang mga motorista na hindi pa rin nakakapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) sticker.
IPINAGBABAWAL muna sa sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling sa Valenzuela City simula Disyembre 1 hanggang Enero 2, 2021, alinsunod sa Ordinace No. 824 Series of 2002.
ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021.