• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:09 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YOUTH POWER AGAINST CHINA’S BULLYING IN WEST PH SEA! CHINA ANG BULLY SA WEST PH SEA HINDI ANG PILIPINAS!

vMARIIN na kinokondena ng mga kabataan, FDNY Movement ang mapangnib na maniobra, pangbubully, panghaharas, at pagwater cannon ng mga barko ng China sa pangunguna ng Chinese Coast Guard 3104 sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan na sakop ng Bajo De Masinloc, Zambales, noong ika-11 ng Agosto 2025, na nagsasagawa lamang ng proyektong, “Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” para sa kapakanan ng mga mangingisdang Pilipino sa West PH Sea.
Mahigpit namin kinonkondena ang paninisi ng China sa Pilipinas, sa pagsalpok ng Chinese Coast Guard Vessel 3104 sa China PLA Navy Ship 164 sa karagatan sakop ng Bajo De Masinloc. Ito ay isang malinaw na pagbaluktot ng katotohanan ng China upang magtanim ng pagdududa sa isipan ng ating mga kababayan at pagdududa sa ating mga opisyal ng gobyerno at mga sundalong Pilipino sa West PH Sea.
Hangga’t hindi ginagalang ng China ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at kilalanin ang July 12, 2016 Arbitral Tribunal Award sa WPS ay patuloy kami magsasagawa ng mga kilos protesta dito sa harapan ng embahada ng Tsina.
At, nanawagan kami sa sambayanang Pilipino na magkaisa, tumindig at labanan ang pangbu-bully at mga maling impormasyon ng China sa West PH Sea at suportahan ang mga patakaran at polisiya ng Administrasyong Marcos Jr. sa West PH Sea para sa kapayapaan at kapakanan ng mamamayan Pilipino. (PAUL JOHN REYES)