Wish pa niya: “God bless us and our family!” IAN, ibinalita na nagkaroon sila ng magandang pag-uusap ni MATET (ni: ROHN ROMULO) masayang
- Published on July 2, 2026
- by Francis Paolo Torres
MARAMING natuwang netizens at tiyak maging ang mga Noranians dahil mukhang maayos ang relasyon ni Ian de Leon
sa kanyang mga kapatid.Matatandaang nagkasagutan sina Ian, Lotlot at Matet de Leon
dahil sa mga naiwang ari-arian o pamana nang pumanaw nilang ina na Superstar at National Artist na si Nora Aunor.Sa Facebook page ni Ian, masaya niyang ibinalita na nagkaroon ng magandang pag-uusap sa pagitan nila ng kanyang kapatid na si Matet. Kaya labis ang kanyang pasasalamat.“Thank you so much for the wonderful conversation! God bless us and our family!” Pahayag ni Ian na kung saan naka-tag si Matet.
Samantala, nag-post din ng larawan si Matet noong baby pa siya kasama sina Ian at Lotlot, pati na ang kanilang inang si Ate Guy.
“We miss you Ma,” maikling caption ng dating child star.Matatandaan nga na nag-post si Matet sa sayang social media last week. Nagbigay siya ng mensahe para kay Ian after ng interview nito sa “Fast Talk with Boy Abunda”.
“Para sa ’yo, ‘Kuya Ian, sana sinabi mo rin sa tao ‘yung mga nagawa mong mali. Na hindi totoong nangkakamkam kami. Na yung zoom meeting (tutal nabanggit mo na) eh para sa play na feeling ko mali at hindi enterprise o foundation?
“Sana hindi mo na e-enjoy ito. Sa tingin mo ba, deserve namin to? Na winawalanghiya kami ng tao kahit alam mo kung sino at anong klaseng tao kami? Mukha kaming kupal kahit alam mong hindi. Di kayo sumasagot sa chat eh. Dito na lang.”Sana nga ay tuloy-tuloy na magandang samahan ng magkakapatid.