• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU, namahagi ng 33 negosyo carts, at 7 Barangay service

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, katuwang si Konsehala Sel-Sabino Sy ng 33 Tuloy Ang Progreso (TAP) Negosyo Carts at 7 na Piaggio Ape barangay service sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod.

Kabilang ang 33 Valenzuelanong Persons with Disabilities (PWDs) na nakatanggap ng stainless TAP Cart na may mga kagamitan at libreng produkto para sa kanilang negosyo bilang dagdag na suporta sa kanilang kabuhayan.

Samantala, nakatanggap din po ng Piaggio Ape (APE) ang Brgy. Bisig, Brgy. Isla, Brgy. Marulas, Brgy. Maysan, Brgy. Canumay East, PLV, at ValTech bilang karagdagang service vehicle para sa kanilang mga barangay.

Ani Mayor Wes, patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa paggawa ng mga programa upang makapagbigay ng oportunidad at suporta para sa mas matatag na kabuhayan at mas inklusibong pag-unlad ng Valenzuelanos. (Richard Mesa)