US manufacturer, mamumuhunan ng paunang $200-M para sa gloves factory sa Pinas
- Published on March 12, 2026
- by @peoplesbalita
MAMUMUHUNAN ang isang United States (US)-based medical glove manufacturer ng paunang USD200 million para magtayo ng production facility sa Pilipinas.
Plano rin ng manufacturer na ito na palawakin ang operasyon sa oras na ang first phase ay maging matagumpay.
Sa pagsasalita sa harap ng mga mamamahayag sa The Pierre A Taj Jotel sa New York, United States bago bumalik ng Maynila, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Harvard-based U.S. Medical Glove Company (USMGC) ay nagsimula nang maghanda para sa proyekto at nagpadala ng kinatawan sa Pilipinas para simulan ang kontruksyon ng pasilidad.
“The prospective amount is PHP200 million dollars in the beginning,” ayon kay Pangulong Marcos.
“They have already started it. They sent already representatives to the Philippines. They’re already starting to build their first plant and gusto nilang mag-expand pa. They already have found the local partner,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ng Pangulo na ang initial phase ay sisimulan sa mas maliit na puhunan. Gayunman, isinasagawa na ang pag-uusap para sa mas malaking eskpansyon sa oras na magsimula na ang operasyon.
“Once operational, the facility would help ensure a stable domestic supply for various sectors,” anito.
“This is going to be to our advantage dahil magkakaroon tayo ng supply hindi lang para sa healthcare workers pati sa military at lahat nang nangangailangan,” ang tinuran ng Pangulo.
Aniya pa, bukas ang pamahalaan na maggalugad ng mas maraming oportunidad kapag ang manufacturing venture ay maayos ang operasyon.
Sinabi pa niya na nais ng USMGC na madaliin ang konstruksyon ng pasilidad.
“Ang pagtatayo ng ganitong facility ay mabilis lang. Sabi nila basta napagawa na ang building, pagdating ng makinarya na iyan nila, within 48 hours, they will start the process,” ang tinuran ng Pangulo.
Nauna rito, nakipagpulong ang Pangulo sa USMGC executives, araw ng Lunes, unang araw ng Pangulo para sa kanyang two-day working visit sa Estados Unidos.
Samantala, sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Marcos na ang proyekto ay inaasahang makalilikha ng mahigit sa 2,000 trabaho at makapagbibigay-daan para sa lokal na produksyon ng mahalagang medical supplies.
Ang USMGC ay ang leading American manufacturer ng nitrile at polyisoprene surgical atexam gloves, makikita ang 1.8 million-square-foot facility sa Harvard, Illinois. (Daris Jose)