• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thank you for the opportunity to save lives-VP-elect Sara Duterte

INIALAY ni Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang tagumpay sa katatapos lamang na Eleksyon 2022 sa mga biktima ng “terrorism, abuse, criminality, and bullying.”

 

 

“The opportunity to serve as vice president, I dedicate to Kean Gabriel, to Larry, to Jaren and Frederick and all those who passed because of terrorism, abuse, criminality, and bullying,” ayon sa anak ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte matapos ang kanyang proklamasyon bilang nanalo sa vice presidential race.

 

 

“Thank you for the opportunity to save lives,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Binigyang diin ni Sara ang campaign message nila ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “pagkakaisa”.

 

 

“Magtulungan tayo para sa isang bayan na mapayapa at nagkakaisa. Mahal natin ang Pilipinas. May God bless the Philippines. Daghang Salamat,” ayon kay Sara.

 

 

Pinasalamatan din ni Sara ang Commission on Elections, ang mga guro, uniformed personnel, at ang Kongreso para sa generally peaceful and orderly election.”

 

 

“Ang akong pagdaog mooy kadaugan sa inyong tanan nitabang, nanikamot ug nisuporta kanako (Ang aking pagkapanalo ay panalo rin ng lahat ng tumulong, naniwala at sumuporta sa akin),” lahad nito.

 

 

Hindi naman sinagot ni Sara ang tanong kung bakit wala ang kanyang pamilya sa araw ng kanyang proklamasyon.

 

 

Sa halip ay pinasalamatan nito ang media para sa pakikipag-ugnayan matapos ang halalan.

 

 

Ang kanyang ama, outgoing President Rodrigo Duterte, ina na si Elizabeth Zimmerman, mga kapatid na sina — Davao City Mayor-elect Sebastian Duterte at re-elected Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, asawang si Atty. Mans Carpio, at mga anak ay wala sa proklamasyon ni vice presidential win sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, araw ng Miyerkules, alas-12 ng tanghali. (Daris Jose)