• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspek sa pagpatay sa ABC prexy sa Bulacan, timbog sa Navotas

Eksaktong isang taon na pagtatago, naaresto na ang suspek sa pamamaslang kay Bulacan Association of Barangay Captains (ABC) president Ramil Capistrano at driver na si Shedrick Toribio, ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad, sa Navotas City, nitong Miyerkules, Oktubre 22.
Sa ulat mula sa Camp Olivas, Police Regional Office 3, dinakip si alyas “Lupin”, 35 anyos, fishnet maker at residente ng Barangay Tangos, Navotas City, ala-1:30 ng madaling araw ng Oktubre 22, sa nasabing barangay ng magkasanib na ­pwersa ng Tracker Team ng Provincial Intelligence Unit (PIU)–Bulacan PPO (lead unit), sa koordinasyon ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at ng Navotas City Police Station.
Mahigit 2 buwan na surveillance bago ang operasyon na pagsisilbi ng warrant of arrest para sa 2 counts of murder na inisyu ni Hon. Felizardo Soriano Montero Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 11, Malolos City, Bulacan, na may petsang Pebrero 20, 2025, na walang inirekomendang piyansa.

Isa si “Lupin” sa apat na suspek na sangkot sa pananambang na ikinasawi nina Capistrano at Toribio noong ­Oktubre 3, 2024, sa Brgy. Ligas, Malolos City. (Richard Mesa)