• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 9:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sona barong ni PBBM, gawa ng artisans mula Calabarzon, Visayas – PCO

ISINUOT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang barong na gawa ng artisans mula Calabarzon at Western Visayas para sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (Sona), noong Lunes, Hulyo 22, 2024.
“[President Marcos’] Sona barong is a collaborative work of artisans from Lucban, Quezon, Taal, Batangas, and Aklan,” ayon sa  Presidential Communications Office (PCO) .
Wala namang ibinigay na iba pang detalye sa naging kasuotan ng Pangulo.
Maliban kay Pangulong Marcos, nagbahagi rin ng kanilang naging kasuotan sina Senador Nancy Binay at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel para sa SONA.
Bagama’t ang mga bisita ay pinagbabawalan na magsuot ng mga damit na may political messages, isiniwalat ni Manuel na magsusuot siya ng “protest barong” na nagtatampok sa mural na “symbolizes the hope of the new generation.”
Samantala, si Binay naman ay nagsuot ng all-piña terno  na dinisenyo ni Randy Ortiz. Sinabi ni Binay na ito’y “meticulously handloom-woven by the master artisans of Aklan.”
At upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng SONA, nagtalaga ang Philippine National Police ng 23,000 tauhan nito sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)