Sobrang saya pa naman na siya ang 5KM fastest celebrity runner:ROYCE, ninakawan ng damit, basang towel, car keys at finisher medal (ni: ROHN ROMULO)
- Published on June 3, 2026
- by Francis Paolo Torres
ANG saya-saya pa naman ng Kapuso hunk actor na si Royce Cabrera pagkatapos niyang mag-participate sa Sparkle Run 2026 ng GMA, Sabado ng umaga, May 30, 2026.
Na kung saan sinabi nito na ito ang first official run, 5km finisher at nakatsamba raw dahil naging fastest celebrity runner pa sa naturang category.Pero ang sumunod niyang post ay isang malungkot na pangyayari na kung saan nanakaw ang bag sa pinag-iwanan nila ng gamit.
Kaya feeling ni Royce, tinarget talaga siya ng magnanakaw dahil pinili lamang nito ang mga gamit mula sa kanyang bag.Sa paniwala ng kanyang AWARENESS POST…“Akala ko hindi ito mangyayari sakin pero naranasan ko. Nanakawan ako ng bag during our event.
“Hindi ko inaasahan dahil naging abala kami sa event at naging kampante nako na ligtas na ang gamit ko dahil kasama nito ang iba pang gamit ng mga kasamahan ko.” Pagbabahagi pa ng aktor, “pero sapat na pala ang ilang minutong pagka-busy para manakawan o mawalan ng gamit.
“Pero isang bagay ang sigurado ako—hindi aksidente ang nangyari dahil sa lahat ng pwede mawala bukod tanging gamit ko lang talaga ang pinili mong kunin.”
Pagpapatuloy pa ng aktor, “Buti na lang at nasa bag ang Airpods ko kaya mabilis ko agad na-track ang kinaroroonan nito.
“From Quirino Grandstand napunta ng Circuit Makati.
“Pinuntahan namin ito kasama ng dalawang pulis at isang marshall.
“Sa ilang beses naming pag-iikot tila ba nawalan nako ng pag-asa mahanap pa at nag-aya nalang umuwi na.
“Palabas na kami ng mall ng bigla nalang namin nakita ang bag ko sa poste kung saan malapit na naka-park ang mobil.
“Nakalapag at bukas lahat ng zipper. Agad ko itong kinuha.”Pagdedetalye pa ni Royce, “At ito ang mga nawala: car keys, damit and towel na basa ng pawis, 5k run finisher medal, case ng AirPods.”
Pagtataka pa niya, “hindi ko maalis ang hindi mabahala sa mga bagay na pinili mong kunin. Hindi dahil sa halaga ng mga ito, kundi dahil nakakapagtaka kung bakit iyon mismo ang mga naging target mong kunin.
“Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay mo pero kung sino ka man, sana tigilan mo na ang ganyang modus. Gusto kong intindihan kung bakit mo yun nagawa pero sigurado ako na doble ang bad karma na balik sayo sa ganyang klaseng gawain.”
Babala pa niya ang magnanakaw, “Patuloy ko pa rin ito gagawan ng aksyon. Plano ko mag-file ng police report at magpa-check ng cctv within the vicinity.Panghuli sa post niya, “PS: Gusto ko naman magpasalamat sa mga masigasig na pulis ng Station 5. Na sina PAT Lisbo at PAT Endaya at sa isa sa mga marshall ng event na si Kuya Jun sa pagsama sakin sa paghahanap. Sobrang appreciated ko ang time and effort niyo.
“Stay safe, everyone. God Bless!”