Sapat ang relief packs para sa mga taga Misamis Occidental na apektado ng matinding pagbaha
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
MAY sapat na relief packs para sa mga residenteng apektado ng matinding pag-uulan sa Misamis Occidental
Ito ang ginawang pagtitiyak ni Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal kasunod na rin ng matinding mga pag-uulan at pagbaha sa kanilang rehiyon.
Ayon sa mambabatas, maliban sa naka-preposition na food packs at inuming tubig ay marami rin aniyang pribadong grupo na nag-donate sa kanila.
Sa katunayan aniya ay mayroong 6,000 na food packs na inihanda ng kanyang tanggapan na ipapamahagi sa iba’t ibang evacuation center sa kanilang distrito.
Mayroon din aniya silang inilaan na 3,000 na food packs sa district 1.
Ayon sa mambabatas nirereserba nila ang hihinging tulong sa National Government pagdating sa rehabilitasyon ng mga nasalanta.
Sa ngayon kasi ay wala pang assessment kaugnay sa lawak at halaga ng pinsala ng pagbaha. (Ara Romero)