• March 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan… Pinas, naghahanap na ng ibang bansa na mapagkukuhanan para sa suplay ng langis- PBBM

NAGHAHANAP na ang Pilipinas ng ibang bansa na maaaring mapagkukuhanan para sa suplay ng langis sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan.
“In terms of supply, we are in good shape. And not only do we have inventory in the Philippines, we also are awaiting some supplies coming in that are in transit,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamahayag sa New York City.
“We are talking to many other countries [whom] we normally do not buy oil from, but hopefully, we will be able to come to an agreement with them and that we will get further supply from them,” aniya pa rin.
Tinukoy ng Pangulo ang “volatility” ng labanan bilang isang hamon sa oil supply sa bansa, sabay sabing hindi niya tiyak kung hanggang kailan ang itatagal ng labanan.
Kamakailan, tiniyak ng Pangulo sa publiko na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng petroleum products na may stockpiles na sapat at tatagal ng hanggang 50 hanggang 60 araw.
At nang tanungin naman kung ano ang hakbang ng pamahalaan para mapalambot ang epekto ng oil price hikes sa mga pangunahing bilihin, ang naging tugon ng Pangulo ay “We’re trying to keep prices down, but there’s an inevitable effect.”
Sinabi pa niya na ang presyo ng langis ay umabot sa $100 per barrel subalit bumaba naman sa $90, araw ng Martes.
“That gives us a little better chance of providing subsidies for our people, for providing support for the affected sectors,” ang winika ng Pangulo. ( Daris Jose)