Red Horse Beer, kinilala bilang “Most Meaningfully Different Brand” sa 2026 Kantar BrandZ Awards
- Published on November 5, 2026
- by Francis Paolo Torres
MULING kinilala ang Red Horse Beer bilang isa sa mga nangungunang brand matapos mapanatili ang puwesto nito sa Kantar BrandZ Top 30 Most Valuable Brands sa Southeast Asia para sa 2026.
Kasalukuyang nasa 30th rank ang Red Horse Beer pero nangunguna pa rin sa dalawang brand na kinililala mula sa bansa.
Bukod sa regional list, kinilala rin ang Red Horse Beer bilang “Most Meaningfully Different Brand” sa kategoryang beer. Iginagawad ang parangal sa mga brand na itinuturing ng mga mamimili na bukod-tangi sa kanilang mga kakumpitensya at tunay na tumutugon sa pangangailangan at panlasang Pinoy.
Pinagtitibay ng mga pagkilalang ito mula sa Kantar BrandZ ang lakas ng personalidad ng Red Horse Beer na nakaugat sa mga katangiang “astig” at “relaksarap.”
Lalong pinatitibay ang impluwensiya nito sa merkado ng likas na halaga nito para sa presyo, na tumutugma sa mga gawi at kagustuhan ng mga lokal na mamimili ng beer.
Itinatag ng Kantar BrandZ ang global standard ecosystem na susukat sa brand value sa pamamagitan ng brand consumer-centric methodology na kung saan naganap ang interview sa mahigit 4.6 million consumer sa loob ng 54 markets na isang batayan na iniendorso ng Marketing Accountability Standards Board (MASB).
Mula pa noong 2026, nakatulong ang brand valuation series sa mga researchers, planners, at strategists na maunawaan ang brand na kanilang tinatrabaho dala ang Most Valuable Global Brands ranking at report features country and regional rankings sa anim na kontinente, gayundin ang mga makabuluhang pananaw at pag-aaral mula sa mga eksperto sa pagbuo at pagpapalakas ng kinikilalang brand. (Richard Mesa)