• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng pagbotohan ng Senado ang desisyon ng SC ukol sa impeachment case laban kay VP Sara

NAGPAHAYAG ng pangamba ang Kamara sa ulat na posibleng pagbotohan ng Senado ang desisyon ng Supreme Court ukol sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ng hindi hinihintay ang Kamara sa pagtupad ng mga legal na hakbang at tugon sa isyu.
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara, hindi pa pinal ang desisyon ng SC at ang kamara ang siyang sangay na binigyan ng konstitusyon ng eksklusibng kapangyarihan at otoridad na magpasimula ng impeachment, at nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration. “This is a matter of constitutional right and institutional integrity.”
Sinabi pa nito na dapat payagan ng senado na dinggin muna ng SC ang Kamara sa ihahain nitong masyon bago ito isalang at pagbotohan.
“Any premature action—such as a Senate vote effectively abandoning the impeachment trial—may be interpreted as a disregard of due process. Worse, it may be construed as a political shortcut that undermines the constitutional role of the House,” paliwanag ni Abante.
Sinabi pa nito na dapat mapanatili ang integridad ng impeachment process dahil hindi naman ito patungkol sa Kamara o senado kundi pagbibigay proteksyon sa institusyon at pananatili ng sistema ukol sa checks and balances na nakapaloob sa saligang batas.
“We call on our dear Senators to exercise prudence and patience, and allow the judicial process to reach its rightful conclusion. The House remains committed to the rule of law and will exhaust all legal remedies to protect its constitutional mandate—and to ensure that accountability is not casually brushed aside,” pagtatapos ni Abante.
(Vina de Guzman)