• March 14, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng maganap sa pagitan ng Marso at Abril… ZANJOE, masaya para kay BEA na ikakasal na kay VINCENT

SA naging panayam ng ABS-CBN ng Kapamilya actor at isa sa bida ng ’The Silent Noise’ na si Zanjoe Marudo, nagpahayag na masaya siya sa nakatakdang pagpapakasal ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo.
Pinag-usapan nga ang nalalapit na kasal ni Bea sa kanyang businessman boyfriend na si Vincent Co, matapos na kumalat sa social media ang kanilang wedding banns.
Inanunsyo rin sa publiko ang magaganap na kasalan sa St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Manila.
Natanong nga si Zanjoe tungkol sa nabalitang marriage banns ni Bea at ni Vincent.
“Totoo ba? Wala akong imbitasyon eh,” reaksyon ng asawa ni Ria Atayde.
Dagdag pa niya, “Yes, of course, I’m very happy for her. Finally, ‘di ba! Lahat tayo kailangang maging masaya sa mga batch namin. At least ito, unti-unti na kaming nabubuo.”
Alam naman ng lahat na naging magkarelasyon sina Zanjoe at Bea noong early 2010s. Tumagal ang relasyon nila sa loob ng limang taon at naghiwalay noong 2016.
Samantala, usap-usapan naman ngayon na maaaring ikinasal sina Bea at Vincent sa last week ng March o first week ng April sa taong ito.
Hinihintay pa rin ng netizens ang ilalabas na official statement sina Bea at Vincent tungkol sa kanilang inaabangang wedding.
***
DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng “The Silent Noise” ng Prime Video at ABS-CBN Studios na ginanap noong Marso 10 (Martes) sa Gateway Mall 2, Cinema 11.
Ipinalabas ang unang episode ng serye, na agad nagpasabik sa mga manonood sa misteryong hatid ng kuwento.
Kabilang sa mga dumalo sa star-studded premiere sina Ralph Malibunas, Kakki Teodoro, Joel Saracho, Junjun Quintana, Monching Gutierrez, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Joem Bascon, Mutya Orquia, Zaijian Jaranilla, KD Omalin, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban.
Matapos ang screening, nagkaroon din ng grand media conference kung saan nagbahagi ang cast at creators ng kuwento sa likod ng paggawa ng serye at sinagot ang mga tanong ng entertainment press.
Espesyal ding inimbitahan sa event ang mga miyembro ng Filipino Sign Language (FSL) community bilang pagkilala sa papel ni KD Omalin, isang batang bingi sa serye. Upang maging mas inklusibo ang programa, may FSL interpreters na nagsalin ng buong media conference para sa kanila.
Umiikot ang kuwento ng “The Silent Noise” sa isang pamilyang unti-unting nabubunyag ang mga lihim matapos ang isang trahedya. Habang lumalalim ang misteryo, nasusubok ang kanilang pagmamahalan, tiwala, at katahimikan na matagal nilang tinago.
Mapapanood na ang “The Silent Noise” simula Marso 20 sa Prime Video, kung saan dalawang bagong episode ang ilalabas kada linggo at mapapanood sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo.
Kasama ang “The Silent Noise” sa iba pang catalogue ng Prime Video gaya ng :The Alibi,” “LOL: Last One Laughing Philippines,” “Linlang,” “Drag Den with Manila Luzon Seasons 1 at 2” Mga Korean titles gaya ng “Siren’s Kiss,” “Spring Fever,” “Surely Tomorrow,” “Nice to Not Meet You,” “Confidence Queen,” “Head Over Heels,” “GOOD BOY,” “Newtopia,” “Marry My Husband” Anime hits tulad ng “Mobile Suit Gundam GQuuuuuuX,” “Jujutsu Kaisen 0,” “Rurouni Kenshin” Bukod pa rito ang mga award-winning at critically acclaimed na serye at pelikula mula sa Amazon MGM Studios gaya ng “Young Sherlock,” “Fallout,” “The Bluff,” “Heads of State,” “Reacher,” “Red One,” “Road House,” “The Boys,” “The Lord of the Rings: The Rings of Power,” at “The Summer I Turned Pretty,” pati na rin ang mga fan favorites tulad ng “John Wick” at “Challengers”
Nagbibigay din ang Prime Video ng eksklusibong access sa live sports coverage kabilang ang NBA, at mga acclaimed sports documentaries gaya ng “Bye Bye Barry,” “Kelce,” at “Earnhardt.” Maaaring mapanood ng mga Prime Video members ang mga palabas at pelikula kahit saan at kahit kailan sa libu-libong compatible devices.
Sa Prime Video app, puwede ring i-download ang episodes sa mobile devices at tablets para mapanood offline nang walang karagdagang bayad. Ang Prime Video ay available sa Pilipinas sa halagang P149 kada buwan.

(ROHN ROMULO)