• October 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POC kuntento sa naging performance ng bansa sa katatapos na Asian Games

ITINUON ngayon ng Philippine Olympic Committee (POC) sa paparating na Los Angeles Olympics sa susunod na taon.

Ito ay matapos na hindi nalagpasan ng Pilipinas ang target na gold medal sa katatapos na 20th Asian Games na ginanap sa Aichi-Nagoya , Japan.

Sinabi ni 𝗣𝗡𝗢𝗹𝗢𝗽𝗽𝗢𝗻𝗲 π—’π—Ήπ˜†π—Ίπ—½π—Άπ—° π—–π—Όπ—Ίπ—Ίπ—Άπ˜π˜π—²π—² (𝗣𝗒𝗖) π—£π—Ώπ—²π˜€π—Άπ—±π—²π—»π˜ Abraham β€œBambol” Tolentino, na kahit na hindi naman nalagpasan ang target ay napantayan ang gintong medalya noong nagdaang Asian Games.

Dagdag pa nito mas kailangan ng ating bansa ang pagpapaigting ng ensayo ganun din ang pagkuha sa mga foreign coaches para mamayagpag ang ating bansa sa nalalapit na LA Olympics 2028.

Nakapagtala ang Pilipinas ng apat na gintong medalya; siyam na silver medals at bronze medals.

Nahigitan ng Pilipinas ang 2023 Hangzhou Asian Games kung saan mayroong apat na gintong medalya, dalawang silver at 18 bronze.