Pinag-aaralan na ng abogado ang gagawing aksyon: SUNSHINE, naghihimutok sa ‘fake news’ at idinamay pa ang tatlong anak
- Published on October 27, 2025
- by @peoplesbalita
SA pamamagitan ng kanyang Facebook page ay naghihimutok ang aktres na si Sunshine Cruz.
Kung anu-ano kasi ang mga naglalabasan na mga walang katotohanang isyu and the worst idinamay pa ang kanyang mga magagandang anak na sina Angeline, Samantha at Franchesca.
Siyempre nagwo-worry si Shine sa tatlong dalaga niya.
Ayon pa sa premyadong aktres na hindi makatarungan ang mga ibinalita ng mga tinatawag niyang mga “fake news”.
“My children and I have been subjected to years of ridiculous rumors. My children and I have been supposedly pregnant, murdered, beaten, arrested and even secretly own a mansion in a posh village.
“It’s a testament to how easily people are misled that even the smartest individuals sometimes fall for them.
“No to #fakenews!” saad pa ni Sunshine sa kanyang post.
Kasalukuyang pinag-aaralan na raw ng kanyang abogado ang anumang aksyon na gagawin niya.
“fyi guys, my lawyer Atty. Bonito Alentajan has been looking into these sites. It isn’t easy kasi psuedo names ang gamit nila. For now I am posting these fake news for awareness,” dagdag pa ng kaibigang aktres.
***
WALANG katotohanan ang balitang magbibitiw sa puwesto si Finance Secretary Ralph Recto.
Ito ay ayon mismo sa opisyal na pahayag ng Malakanyang sa pamamagitan ni Atty. Claire Casto, ang tagapagsalita ng PBBM.
Ayon pa sa kanya ay walang katotohanan ang mga kumakalat na isyung ito na pinapalaganap ng ilang grupong galit sa pagpapatupad ng mga buwis.
Sa totoo lang naman kung susuriin, mas nakakalungkot na ang mga nagpapakalat ng ganitong isyu na kadalasang tahimik naman pagdating sa mga Senador at Kongresistang nasasangkot sa mga kontrobersyal na proyekto gaya ng flood control na malinaw na korapsyon.
Ano ba ang pinupunto nitong mga nagmamagaling?
Tanong ng marami, bakit kailangang mag-resign ang asawa ni Star for All Seasons Vilma Santos?
May kaso ba siya ng korapsyon? May rekord ba ng katiwalian o pag-abuso sa kapangyarihan? O galit lang talaga ang ilan sa kasalukuyang Sec. of Finance dahil sa mga buwis na ipinapatupad nito?
O sadyang gusto lang ng mga nag-iingay na mga ito na i-divert ang usapan sa maanumalyang flood control at si Sec. Ralph na naman ang gusto nilang gagamitin?
(JIMI ESCALA)