PBBM, nangakong pabibilisin ang pagpapasa ng Anti-Dynasty, People’s Commission laws
- Published on December 10, 2025
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na iprayoridad ang pagpapasa ng Anti-Dynasty Bill at panukalang Independent People’s Commission (IPC) Act.
Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
May ilang batas naman ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado na naglalayong bigyang-bisa ang probisyon ng 1987 Constitution na nananawagan para sa pagbabawal ng political dynasties.
Ang dalawang Senate bills sa paglikha ng IPC, ay naghahangad na makapagtatatag ng permanente,, independent, non-partisan commission na may atas na iimbestigahan ang di umano’y anomalya at korapsyon sa lahat ng government infrastructure projects na may iba’t ibang levels, mula national, local government unit (LGU), at government-owned/controlled corporation (GOCC).
( Daris Jose)