ITINUTURING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isang “thankless job” ang pagiging isang politiko. Subalit, masasabi na sulit naman ang makatulong sa isang tao na mabago ang kanyang buhay.Ito ang mensahe ng Pangulo para sa mga naghahangad na pasukin ang politika sa Part 1 ng BBM Podcast Episode 6 na ibinahagi sa mga mamamahayag, araw ng Lunes.Tinanong ang Pangulo kung ano ang maibibigay nitong payo sa mga nagnanais na maging politiko, ang tugon ng Pangulo ay sana ay nalaman na muna nya bago siya pumasok sa politika.“So long as you enter politics for the right reason, and there’s only one reason: to serve. There is no other correct reason. It’s a thankless job, that’s for sure but it’s worth it; it’s worth it,” aniya pa rin.“There’s nothing better, there’s nothing better than to help somebody outside of yourself, outside yourself, outside your family, your community, your country. May nagawa, nagbago ‘yung buhay ng tao, can you imagine binago mo ‘yung buhay ng tao? What a privilege to be able to do that,” ang winika ng Pangulo.Taong 1980, tumakbo ang 23-taong-gulang na itong si Marcos Jr. bilang kandidato sa pagka-Bise Gobernador ng Ilocos Norte nang walang kalaban at nanalo, sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan ng kanyang amang namumuno sa buong Pilipinas sa ilalim ng batas militar noong panahong iyon. Kinalaunan, naging Gobernador siya ng Ilocos Norte noong 1983 at nanatili sa opisina hanggang mapatalsik ng Himagsikan ng Lakas ng Bayan ang kanilang pamilya mula sa kapangyarihan at lumipad papuntang Hawaii sa pagkakapatapon noong Pebrero 1986.Pagkamatay ng kaniyang ama noong 1989, hinayaan ni Pangulong Corazon Aquino na umuwi ng Pilipinas ang nalalabi sa pamilya Marcos upang humarap sa ilang demanda.Pagsapit ng taong 1992, nahalal at naupo siya bilang Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte hanggang 1995, at muling siyang nahalal noong 2007 hanggang 2010. Sa pagitan ng pagtatapos ng kaniyang termino noong 1995 at pagsisimula ng isa pang termino noong 2007, nanungkulan siyang muli bilang Gobernador ng Ilocos Norte na kaniyang tinakbuhan at napaghahalan. Taong 2010 rin siya nahalal bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Partidong Nacionalista at naupo hanggang 2016.Noong 2015, tumakbo si Marcos para sa pagka-Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Halalan 2016. Sa pagkakaibang 263473 boto, 0.67 bahagdan, natalo si Marcos Jr. ng kinatawan ng Camarines Sur na si Leni Robredo. Bilang tugon, nagsampa si Marcos ng protestang elektoral sa Presidential Electoral Tribunal na naglalaman ng mga akusasyon ng mga pandaraya. Taong 2021, napagsang-ayunang ibara ang petisyon ni Marcos matapos ang isinagawang pilotong muling pagbibilang sa mga piling lalawigan ng Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur na nagresulta pa ng pagdagdag pa nga ng 15093 boto sa lamang ni Robredo. Kinalaunan nang taong iyon, isinapubliko ni Marcos ang kandidatura niya para sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022.Kasalakuyang naninilbihan si Marcos bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas.(Daris Jose)