• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ikinalungkot ang decades-old corruption

LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘malalim na bulok’ ng korapsyon sa public infrastructure projects.

Magkagayon man, hindi naman siya nagsisisi na naging Pangulo ng bansa, sa katuwirang nabigyan siya ng pagkakataon na ayusin ang sistémikóng kapinsalaan.

Sa kanyang pinakabagong podcast, ipinalabas araw ng Linggo, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagbubunyag ng long-running anomalies ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog sa gabi, inilarawan ang mga ito bilang “kalawang at bulok” na nagpahirap sa mga proyekto sa loob ng mga dekada.

“It did not happen overnight. This happened over many decades. Ako nasa-shock ako… ang lalim ng kalawang, ang lalim ng bulok,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing sobrang masama ang kanyang loob kung paano ang mga oridnaryong mamamayan ay naloko habang ang public funds ay nailihis para sa luxury items.

“How can you do this to people who are working every day of their lives? Kukunin niyo pa sa kanila ‘yun, para bumili ng Rolls-Royce?” ang tanong ng Pangulo, hindi rin niya mapagtanto kung paano naipagmamalaki ng mga corrupt individuals ang kanilang mga luho gamit ang public funds.

Muli, inulit ng Pangulo na hindi siya nagsisisi na naging Pangulo ng Pilipinas sa kabila ng malalang problema partikular na sa korapsyon.

“No. Not for one moment,” ayon sa Pangulo.

“Because I’m given the opportunity, the privilege to actually do something. All of the things I complained about all my life, now I can do something about it,” aniya pa rin.

Winika ng Pangulo na prayoridad niya ngayon na papanagutin ang mga may kasalanan at ayusin ang sistema, habang naghahanda ang Malakanyang na magpalabas ng executive order na lilikha ng isang independent commission na magi-imbestiga sa di umano’y flood control projects.  (Daris Jose)