• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, biyaheng Abu Dhabi sa Enero 12 para sa working visit- Malakanyang

NAKATAKDANG umalis patungong United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Lunes, Enero 12, 2026.
Ang working visit ni Pangulong Marcos ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay para sa Abu Dhabi Sustainability Week kung saan tatalakayin ang mga hakbang upang isulong ang global sustainability.
Ito’y buhat aniya sa paanyaya ng kagalang-galang na Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ng United Arab Emirates.
Makakasama ng Pangulo ang iba pang heads of state and government ng iba’t ibang bansa sa pagtalakay ng mga isyu patungkol sa enerhiya, tubig, usaping pinansiyal, pagkain at kalikasan.
Maliban dito, nakatakda ring daluhan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa dalawang mahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates.
“Una ay ang Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA at ang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation,” ayon kay Castro.
“Ang CEPA ang kauna-unahang free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa mula sa Middle East na naglalayong palawakin ang market access ng ating bayan sa Gitnang Silangan. Samantala, ang Defense Cooperation Memorandum naman ay siyang magsisilbing matatag na pundasyong pakikipagtulungan sa UAE para paunlarin ang defense technologies ng ating bansa,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ni Castro na buo ang paniniwala ni Pangulong Marcos na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa sambayanang Pilipino ang kaniyang papalapit na pagbisita sa Abu Dhabi.
(Daris Jose)