• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, aprubado ang pagsasapribado ng North-South Commuter Railway ops

OKAY kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang plano ng gobyerno na isapribado ang operations and maintenance (O&M) ng big-ticket North-South Commuter Railway (NSCR) project, na ngayon ay nasa ilalim ng konstruksyon.
Sa katunayan, inaprubahan ni Pangulong Marcos, chair ng Economic Development Council (dating National Economic and Development Authority Board) sa isinagawang miting, araw ng Martes, Hulyo 15, ang O&M ng NSCR sa ilalim ng public-private partnership (PPP) arrangement.
Matatandaang, Pebrero 2023, inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang balak nitong ilipat ang O&M ng NSCR kasama ang Metro Manila Subway Project (MMSP) sa private sector sa pamamagitan ng competitive bidding.
Ang kabuuang tinatayang gastos ng O&M contract ay P229.32 billion, ayon sa Department of Economy, Planning and Development (DEPDev).
Ang buong NSCR ay147.26-kilometer elevated railway line, naglalayong pagaanin ang byahe sa tatlong rehiyon sa Luzon gaya ng Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON.
Ang proyekto ay nasa advanced stages ng konstruksyon na may pre-operations na inaasahang magsisimula sa March 2026 hanggang July 2027.
Sinabi ng DEPDev na “the concession period for partial operations of NSCR Phase 1 —from Clark International Airport (CIA) to Valenzuela involving 13 stations— is targeted to commence in December 2027 until September 2028.”
Samantala, ang concession period para sa partial operations ng Phase 2 —mula Nichols na may karagdagang segments mula Alabang hanggang Calamba, kabilang ang 32 stations— inaasahang tatakbo mula October 2028 hanggang December 2031.
Ang ‘full operations’ ay inaasahan na magsisimula sa Enero 2032. ( Daris Jose)