Pareho ang opinyon na kasal muna bago live-in…JULIE, handang-handa sakaling mag-propose na si RAYVER (ni: REY PINEDA)
- Published on July 1, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA panayam kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk With Boy Abunda”, umamin ang magkasintahan na may plano na silang magpakasal itong darating na taon.
At kinumpirma ni Rayver na si Julie talaga ang gusto niyang makasama habangbuhay. Itinanong sa kanila ni Kuya Boy kung ano opinyon nila sa live-in muna bago kasal.
Walang kagatul-gatol itong sinagot ni Rayver na kasal muna bago live-in.
Ayon sa binata, parehong konserbatibo ang kanilang mga pamilya. Kahit daw mga magulang nito ay gayun din ang pananaw.
Sumang-ayon naman si Julie Anne, dahil maging ang kanyang mga magulang ay ganun din ang paniniwala.
Sa mga naunang interbyu kay Julie Anne naitanong kung handa na ba siya kung sakaling mag-propose sa kanya si Rayver?
“Oo” walang kagatul-gatol nitong sagot.
“I think I want to be, I want to be ready.
“Parang hindi na rin naman ako bumabata.
“So, kahit na ako, marami pa akong gustong gawin for myself, we want to do it together.”
Si Rayver ay 35 years old na. Samantalang si Julie Anne ay 31 years old na rin.
Naku! Sa totoo lang nalagpasan na nga nila ang tipikal na marrying age, di ba?
So, Go na!