• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa single at babae lang ang ‘Miss Universe’: GLORIA, ‘di pabor na makasali ang may asawa, may anak at transsexual

HINDI pabor si Gloria Diaz na makasali sa Miss Universe ang mga may asawa, may anak, at transsexual.

 

 

Kauna-unahang Pilipinang Miss Universe si Gloria kaya may bigat ang kanyang opinyon o pananaw tungkol dito.

 

 

“Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss yun, di ba,” umpisang sagot sa amin ni Gloria.

 

 

“Dapat ‘Universe’! Hindi, I think they even include transvestites. Siyempre, going with the times, ‘no?

 

 

“Pero my personal opinion, which is not to be taken in the negative way, dapat may sarili silang contest.

 

 

“May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe.

 

 

“There is room for so much. Oo, mga category na ganun, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. Okay lang yon!”

 

 

Pati ang age limit ay binago na rin dahil hanggang twenty-eight years old ay puwede pa ring sumali sa Miss Universe na dati ay eighteen hanggang twenty six years old lamang ang age requirement.

 

 

“Kasi actually, ‘pag twenty eight ka na, dapat may career ka na, hindi ba? Dapat mga… like during my time, from seventeen or eighteen hanggang twenty three, ikaw na ang pinakamatanda.

 

 

“In fact noon, pag may twenty three years old, sasabihin nila, ‘And the oldest candidate, twenty three years old…’ “Ganyan, no? Bukod-tanging ikaw ang pinakamatanda.

 

 

“Pero ngayon, nakaka-twenty eight na yata, puwede pa rin, e. It’s hard. It’s a very new idea na sa akin, not very acceptable.”

 

 

Para rin sa marami, nararapat lamang na bukod ang beauty pageant para sa mga may-asawa, nanay, lesbian, bisexual, o transsexual.

 

 

“Dapat kanya-kanya! O sige, di at least it gives people more chances, di ba,” reaksyon ni Gloria.

 

 

“Kasi, you’re representing this country. E, kung may mas magandang babae, o mas magandang tranny… mas mahirap kalaban ang tranny.

 

 

“Kasi I’ve been a judge sa Super Sireyna. Ang gaganda talaga nila! At talagang palaban! Kaya nilang magsirku-sirko diyan, di ba?”

 

 

Bida si Gloria bilang si Dalena sa pelikulang ‘Lola Magdalena’; kakaiba ang papel niya dito bilang faith healer sa araw at lolang pokpok o prostitute sa gabi.

 

 

Kasama niya sa pelikula sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, at Sunshine Cruz.

 

 

Sa panulat ni Dennis Evangelista at sa direksyon ni Joel Lamangan kasama rin sa cast sina Angel Guardian, Carlo San Juan, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, at Joonee Gamboa.

 

 

Ang executive producer ng Lola Magdalena ay si Amelia OJA Zuniga ng Hiro Hito Film Production.

 

 

***

 

 

SA ‘Fast Talk With Boy Abunda’ nitong Martes, ikinuwento ni Glaiza de Castro na naging malakas ang Brew Box Baler ng kaniyang mister na si David Rainey nitong nagdaang Semana Santa.

 

 

“Minsan makikita ako ng mga tao sa Baler naghuhugas ng plato.

 

 

“‘Di pa ako dumadating sa pagbu-brew ng kape pero nagpe-prepare ako ng mga foods,” pagbabahagi ni Glaiza.

 

 

“Nung Holy Week po, that was our busiest week and nakita ng tao ‘yung struggle ko din kasi I was also trying to help David,” kuwento ng aktres.

 

 

“Ang sarap din sa experience na ma-overcome ko ‘yun na kahit na hindi ako familiar sa ganitong klase ng set-up,” sabi pa ni Glaiza.

 

 

Pag-amin ni Glaiza, hindi siya naka-focus noon sa negosyo dahil sa pagiging abala at tutok niya sa kaniyang showbiz career.

 

 

Ngayon, nakita na niya na maaari palang gawin kapag wala siyang taping at kapag nasa Baler siya.

 

 

May isa pang negosyo sina Glaiza bukod sa coffee shop nila ng kanyang mister, mayroon ding mina-manage si Glaiza sa Baler na Casa Galura, na bed and breakfast business.

 

 

Natutuwa naman si Tito Boy sa tagumpay na nararanasan ni Glaiza na tinawag niyang mabuting tao kaya pinagpapala.

 

 

At bilang belated wedding gift ay binigyan ni Tito Boy ng painting si Glaiza bilang regalo sa kasal nila ni David noong 2021 sa Ireland, at muli nitong nakaraang Enero sa Zambales.

 

 

Mapapanood si Glaiza sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “The Seed of Love,” kasama sina Mike Tan, Valerie Concepcion, Boy2 Quizon, at Ashley Rivera, sa May 8 na.

(ROMMEL L. GONZALES)