Palaisipan kung para saan ang pagmamaneho ng jeep: DINGDONG, labis-labis ang pasasalamat sa suportang nakuha para sa ‘Family Feud’
- Published on April 4, 2022
- by @peoplesbalita
LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil after two weeks pa lamang siyang nagho-host ng Family Feud ay grabe na ang suportang nakuha nila sa mga televiewers.
“Moment of joy po ang nararamdaman ko, and I’ll be forever grateful for the opportunity to bring joy and laughter to all our Kapuso and every Filipino family watching the show. Kaya ngayon pa lamang, salamat po!”
Kitang-kita naman kay Dingdong ang saya at game na game siya bilang host ng show, kaya may mga nagtatanong sa kanya, kung part raw ba ng pagiging host niya ang post niya sa kanyang Facebook account na nagmamaneho siya ng jeepney.
Naka-face mask si Dingdong, pero nakilala pa rin siya ng mga tao.
Walang caption na inilagay si Dingdong kung bakit siya nagmaneho ng jeep, kaya ang tanong nila, para saan daw ba iyon, para sa Family Feud o para sa Sunday infotainment show niyang Amazing Earth?
Sa Family Feud kasi ay may ini-interview silang mga tao na magbibigay ng iba’t ibang sagot sa kanilang tanong, at maaaring may kinalaman dito ang mga jeepney drivers. Abangan!
Ang Family Feud ay napapanood daily, Mondays to Fridays, 5:45PM sa GMA-7.
***
TULAD ng romantic-drama series na First Lady, nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, gabi-gabi ring pinag-uusapan ang first suspense-serye ng GMA Network, ang Widows’ Web na nagtatampok sa apat na mahuhusay na Kapuso actresses, sina Carmina Villarroel, Vaness del Moral, Ashley Ortega at Pauline Mendoza.
Pahulaan ang mga televiewers kung sino ba talaga ang pumatay kay AS3 played by Ryan Eigenmann; ang older sister niyang si Barbara (Carmina), ang wife niyang si Jackie (Ashley) o ang kaibigan nilang si Hillary (Vaness)? Pinagbibintangan din si Frank (EA Guzman) na siya raw pumasok sa bahay ng mga Sagrado, o si George (Michael Agassi), ang ‘boy toy’ ni Barbara.
Pero may isa pang character na pumasok, si Vlademir (Adrian Alandy), dating bodyguard ni AS 3 at may gusto siya kay Jackie, bago pa namatay si AS 3. Ginagawa namang lahat ni Elaine (Pauline) ang lahat para lumitaw na inosente si Frank.
Napapanood ang Widows’ Web at 8:50PM, after ng “First Lady” sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)