• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng ‘One RFID,’ hindi mandatory DoTR

NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na ang paggamit ng “One RFID” ay hindi naman mandatory para sa mga motorista.Matatandaang ini­lunsad na ng DOTr, sa pa­ngunguna mismo ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr., ang ‘One RFID, All Tollways System,’ kamakalawa.Nilinaw naman ni Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez na “hindi required” ang mga moto­rista na mag-shift o gu­mamit ng bagong sistema dahil ang naturang unified toll payment scheme ay hindi naman mandatory, kundi opsiyonal lamang.Ayon kay Lopez, ang mahalaga lamang ay mayroong opsiyon ang mga motorista.Paliwanag ni Lopez, kung masaya naman na ang mga motorista sa kanilang kasalukuyang setup na dalawa ang ginagamit na RFIDs ay maaaring ipagpatuloy nila ang paggamit dito.“Pero ang importante dito, ay ito ay isang option. Kung masaya kayo sa inyong current setup that you maintain two RFIDs — pupuwede pa rin po,” ani Lopez, sa panayam sa radyo.“Pero kung gusto niyong subukan itong One RFID, All Tollways — puwede rin po,” aniya pa.Matatandaang matapos ang walong taon, pormal nang nailunsad ang One RFID System upang mapahintulutan ang mga motorista, na gumamit ng iisang RFID na lamang, na maaaring Autosweep o Easytrip, sa pagdaan sa lahat ng expressways sa Luzon.Ang mga motoristang interesado sa natu­rang bagong sistema ay maaaring mag-register online o ‘di kaya ay sa mga designated toll stations.