Pagdaraos ng National Food Security Day tuwing October 16, inaprubahan na ng Kamara
- Published on March 12, 2026
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Kamara ang panukala na pagdaraos National Food Security Day tuwing October 16 ng bawat taon.
Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ng Ilocos Norte, naaprubahan ang House Bill No. 8042, o kilalang National Food Security Day Act, nitong Martes na may 248 votes na pabor, zero againstat isang abstention.
Ang National Food Security Day ay kasabay sa pagdiriwang ng World Food Day, ayon kay Marcos.
“A National Food Security Day is a clear signal that the fight against hunger and high food prices has to stay on the national agenda, with real work behind it, from farm productivity to nutrition and less food waste,” pahayag ni Marcos.
Sinabi ni Marcos na ang pagdiriwang ng National Food Security Day ay upang ma-focus ang gobyerno at ang publiko sa mga ginagawang hakbang hinggil sa seguridad ng pagkain, partikular sa mga problema sa presyo at kakulangan sa supply bunsod ng mga bagyo at sakuna.
Ang nasabing HB 8042 ay iniakda nila Reps. Raymond Adrian E. Salceda, Jose Manuel
Lagdameo, Timothy Joseph Cayton, Ciriaco Gato, Jr., Jennifer Lagbas, Lani Mercado-Revilla, Eulogio Rodriguez, Arlyn Ayon, Robert Nazal, at Sarah Jane Elago. (Vina de Guzman)