• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-amin ni PDu30, walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid-19

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid- 19 kahit pa nabakunahan na siya laban dito.

 

“There is no way, guarantee that I will not be a victim of COVID,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi.

 

“At no other time in my life did I have to contend with the fact that a lot of my friends, those of my age, have been dying,” ani Pangulong Duterte.

 

“I do not exclude myself from that reality. I’m old myself,” dagdag na pahayag nito.

 

Kamakalawa ay nagpabakuna na si Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine.

 

Sa video na inilabas sa Facebook page ni Senador Bong Go, makikita si Health Secretary Francisco Duque III na siyang nagturok ng bakuna sa Pangulo.

 

Bago ito tinurukan ay kinumusta muna ni Duque ang Pangulo na sinagot naman nito na maayos ito.

 

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na matagal na niyang hinihintay na mabakunahan pero kinakailangan pa aniyang hintayin ang assessment ng kanyang doktor, na pinili ang Sinopharm vaccine.

 

Sa ngayon, wala pang Emergency Use Authorization (EUA) na inisyu ang Food and Drugs Administration para sa Sinopharm vaccine pero mayroon itong Compassionate Special Permit (CSP) na ibinigay sa Presidential Security Group (PSG). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)