Pacquiao-Mayweather rematch tiwalang magiging record-breaking event pa rin
- Published on July 23, 2026
- by Francis Paolo Torres
NANINIWALA ang MP Promotions CEO Jas Mathur na mananatiling malaking atraksyon sa mga boxing fans ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. kahit na naurong ang laban nito sa Enero sa susunod na taon.
Ayon kay Mathur, tiwala siyang muling magiging matagumpay at makapagtatala ng rekord ang muling pagtatapat ng dalawang boxing legend dahil ito umano ang laban na nais muling mapanood ng publiko.
Iginiit ni Mathur na ang rematch nina Pacquiao at Mayweather ang magiging isa sa pinakamalaking sporting events sa panahon ng streaming era.
Matatandaang inanunsyo ang rematch ngayong taon, ngunit agad itong kinuwestiyon ng ilang boxing analyst at tagahanga kung makakamit pa nito ang parehong interes na nakuha ng kanilang unang laban noong 2015.