• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ombudsman: Isoli lahat ng kinulimbat bago plea bargain

INIHAYAG ni Ombudsman Jesus Crispin ­Remulla na ang mga akusadong sangkot sa flood control anomaly ay kailangan munang magbalik ng kabuuang halaga nang nakulimbat na pondo mula sa pamahalaan kung nais na pumasok sa plea bargain sa gobyerno.
Ang plea bargaining ay isang proseso sa lahat ng kasong kriminal tulad ng pagnanakaw, drug case o murder case kung saan ang akusado o piskal ay maaaring magkasundo at may pahintulot na aminin ang paratang na kaso para mapababa ang sentensiya.
“Pwede mag plea-bargain basta may full restitution. We have five cases at least going to preliminary investigation already. Which means, pwede mabilis kasi ang period naman dito to answer is 10 days. And we can join the issues immediately,” pahayag ni Remulla.
Aniya, hindi dapat magtagal ng higit isang taon ang pagbusisi sa mga reklamo hanggang sa fact-finding at preliminary investigation para sa filing o pag-dismiss sa reklamo. ( Gene Adsuara)