• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI at PNP, hinimok na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong operations sa bansa

HINIMOK  ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP) na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong (electronic cockfighting) operations sa bansa.

 

 

Kausap ni Bato ang abogadong si Rennan Oliva, kasalukuyang direktor ng NBI Cebu regional office, na binantaan umano ng kaso ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. noong nakaraang taon.

 

 

Hiniling din ni Dela Rosa sa mga opisyal ng PNP na dumalo sa pagdinig ng komite na tulungan ang NBI sa anti-e-sabong drive nito.

 

 

Habang nagpapatuloy ang mga operasyon ng e-sabong, sinabi ni Dela Rosa na ang mga grupo ay hindi na mapipigilan at nanghahamon ito.

 

 

Pinatotohanan ni Oliva na nagbanta si Teves na sasampahan ng kaso ang mga ahente ng NBI dahil sa umano’y pagnanakaw ng P7 milyon na kinuha sa isang e-sabong cockpit sa Minglanilla, Cebu.

 

 

Sinabi ni Oliva na nagulat siya sa halagang sinabi ni Teves dahil ang ini-turn over ng NBI sa Court of First Instance ay P2.6 milyon at mga livestreaming paraphernalia na nasamsam sa raid. (Daris Jose)