Navotas City Hospital, nag-uwi ng dalawang parangal
- Published on October 28, 2025
- by @peoplesbalita
NASUNGKIT ng Navotas City Hospital ang dalawang parangal na Integrated Hospital Operations and Management Program (IHOMP) Outstanding Award at Regional Laboratory Excellence Award mula sa Department of Health (DOH) Metro Manila Center for Health Development. Binati ni Mayor John Rey Tiangco ang NCH at nagpasalamat din siya sa aniya’y mahusay na serbisyo at patuloy na pagsisikap na dahilan upang NavLevel Up pa ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Navoteño. (Richard Mesa)