NavGate, ininspeksyon ni Cong. Tiangco
- Published on April 18, 2026
- by @peoplesbalita
KAHIT tag-araw ay inihahanda na ni Navotas City Congressman Toby Tiangco ang flood control measures ng lungsod at isa aniya sa pinaka-importante, lalo na sa may tabing ilog, ay yung Nav Gate kaya personal niyang ininspeksyon ang mga isinigawang repairs sa mga tumutunog na parte nito.
Nakasama rin ni Cong. Tiangco ang mga Japanese consultants na gumawa nito at mag-de-design ng pangalwang NavGate na pinagagawan na po ng study. Aniya, kung maisasagawa ang pangalwang NavGate at mapopondohan, sobrang laking maiaambag para may back up sa original Navgate na 20 years old na. (Richard Mesa)