• August 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nahanap na talaga ang makatutuwang sa lahat ng bagay…AIKO, sinamahan ni ONEMIG para maghatid ng tulong sa mga binaha

PERSONAL na pinuntahan ni Coun. Aiko Melendez noong Linggo, Agosto 9 ang mga evacuees ng Brgy. Sta. Lucia at Brgy. Fairview na naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagbaha dahil sa bagyo na sinabayan pa ng habagat.

Kinumusta ni Konsi Aiko ang kalagayan ng mga lumikas na mga kababayan na naapektuhan ng masamang panahon.

“Hindi man natin kayang burahin agad ang kanilang paghihirap, nais nating ipadama na hindi sila nag-iisa.

“Sa oras ng pangangailangan, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nakikita sa salita, ito ay nararamdaman sa paglapit, pakikinig, at pagtulong. 🙏.png

“Kasama ninyo kami ng ating Mayor Joy Belmonte, Kapitan Jonel Quebal at ng buong Konseho, Hindi kayo nag-iisa,” post ni Aiko.

Kinabukasan, nagtungo naman ang grupo niya sa Brgy. Bagbag na apektado rin ng matinding pagbaha. Personal niyang hinatid ang mga pagkain at kaunting tulong sa mga kababayang nasalanta.Samantala, nagpakita rin ng pagsuporta ang boyfriend na si Onemig Bondoc dahil sumama ito sa kanyang paglilibot sa mga nasalanta ng bagyo.Kaya labis-labis ang kanyang pasasalamat…

Post ni Aiko, “Salamat Honey (Onemig Bondoc), hindi lang ako ang mahal at minamahal mo kundi pati ang taong mahalaga sa akin.

“Kahit basang basa tayo sa ulan ‘di ka nagdalawang isip sumama sa akin para mag-ikot at maghatid ng tulong.”

Dagdag mensahe pa niya para kay Uno, “Nahanap ko na talaga ang taong katuwang ko sa lahat ng bagay!”