Naghahanda na para sa ihu-host na variety/game show: RABIYA, inaming malaki ang paghanga sa kakayanan ni MICHELLE
- Published on June 6, 2022
- by @peoplesbalita
KAHIT na sunud-sunod ang hiwalayan sa showbiz, nananatili pa ring matibay ang relasyon ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.
Noong maging public na ang relasyon ng dalawa, nakatanggap ng bashing at hate comments si Kiray dahil hindi naman daw tatagal ang relasyon nila ni Stephan. Ginagamit lang daw siya nito at huwag daw masyadong mag-ilusyon si Kiray na may lalakeng seseryoso sa kanya.
Pero two years na nga ang relasyon ng dalawa at napatunayan na nila sa mga haters na patuloy ang pagmamahalan nila dalawa against all odds.
Sa isang Instagram post, nai-share ni Kiray ang sweet photos nila ni Stephan habang nasa isang resort silan. May caption ito na: “Parehas kaming naloko. Kaya ayaw namin gawin sa ibang tao. Walang lokohan. Hanggang sa dulo. #HindiLahatHiwalaySa2022,”
Nag-trending last year si Stephan nang ipa-tattoo ng huli sa kanyang dibdib ang mga mata ni Kiray at nasundan pa ito noong February nang ang buong pangalan naman ni Kiray ang ipina-tattoo niya sa kanyang braso.
Kapitbahay lamang noon ni Kiray si Stephan na kaibigan din ng kanyang kuya. Dahil sa paglalaro ng Mobile Legends kaya mas naging close raw ang dalawa hanggang sa mapagpasiyahang ligawan na ni Stephan ang aktres.
***
MALAKI pala ang paghanga ni Miss Universe Philippines 2020 at Sparkle artist na si Rabiya Mateo kay Michelle Dee na naging first runner-up at Miss Universe Philippines-Tourism sa nakaraang MUP 2022 pageant.
Ayon kay Rabiya, bilib siya sa talent ni Michelle dahil kaya raw nitong gawin ang lahat bukod sa pagiging model at beauty queen.
“Si Michelle Dee, talented. Ano pa ba yung hindi nya kaya gawin? Nag-a-acting siya, nagho-hosting and ngayon isa na syang beauty queen ulit after winning Miss World Philippines.
“Hindi kasi siya takot mag-take ng risks which is isa sa mga importanteng virtue na meron tayo. Kasi walang magandang mangyayari sa buhay natin kung palagi tayong nasa comfort zone.”
Deserving naman daw talaga para kay Rabiya ang pagkapanalo ni Celeste Cortesi bilang Miss Universe 2022. Malaki raw ang naging transformation ni Celeste at napakasipag daw na tao nito.
“She used to be that girl na may doubt sa sarili. Pero isa ako sa mga nag-push sa kanya kasi nakita ko yung potential nya. And I’m so happy that she won.
“As a friend, I’m very proud and I’m going to support her all the way kasi naniniwala akong kaya niyang ipanalo ang ikalimang korona para sa Pilipinas,” diin pa ni Rabiya na naghahanda na para sa kanyang ihu-host na variety/game show sa GMA-7 na kapalit ng Mars Pa More.
Ito ay ang Tick To Clock at kasama niya rito sina Pokwang at Kuya Kim Atienza.
***
NAKITA at nakilala na ni Queen Elizabeth II ang kanyang apo sa tuhod kay Prince Harry na si Lilibet Diana.
Natuwa ang 96 year-old monarch na nasilayan na niya si Lilibet na 11 months old na at pati ang pagkikita nila ulit ng 3 year-old na panganay nila Harry at Meghan Markle na si Archie.
Sinilang ni Meghan si Lilibet sa California noong June 2021. Lookin forward si Queen Elizabeth na makakapag-celebrate ng kanyang 1st birthday si Lilibet sa Buckingham Palace.
Bumalik sa England ang mag-asawang Harry at Meghan para um-attend ng Platinum Jubilee celebrations, honoring the Queen’s 70 years on the throne.
Noong nakaraang April, nasa U.K. din ang Duke and Dichess of Sussex para sa Invictus Games at dinalaw nila si Queen Elizabeth.
Sey ni Harry: “Being with her, it was great. It was just so nice to see her. She’s on great form. She’s always got a great sense of humor with me. It was really nice to catch up with her.”
Kahit na bumitiw sina Harry at Meghan sa kanilang royal duties para tumira sa Amerika, hindi nila kayang palagpasin ang 70th anniversary ni Queen Elizabeth sa trono at makilala na nito ang anak nilang si Lilibet.
(RUEL J. MENDOZA)