• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbanta na hahanapin ang naturang basher… KARLA, ‘di palalagpasin ang hangad na may masamang mangyari kay LELLA

SOBRA lala na talaga ng mga bashers ngayon, dahil yun iba ay nagwi-wish pa na may masamang mangyari sa kanilang pinupuntirya.
Kaya naman hindi na napigilan ni Karla Estrada na patulan ang basher na hindi matanggap ang pagpanalo ng anak na si Lella Ford, bilang isa sa big winners ng ‘PBB Celebrity Collab Edition 2.0’ kasama si Caprice Cayetano.
Post ng basher, “Lella remember Emman? Sana gawin mo rin po please…”
Dagdag pa dito, “naway ma-depress sa mga comment at sundan nya si Emman. Di mo gets? Sana gets mo na.”
Kaya ni-repost ito ni Karla, at galit na sumagot na, “ganito na ka sira ulo ang taong ito sa pinagsasabi nya. At dahil dyan hindi ko ito palalagpasin dahil hindi na ito katanggap tanggap.
Banta pa ng aktres,“Intayin mo ang balik sayo nitong pakiusap mo sa anak ko. sira ulo ka.
“Wala nang hindi matutunton ngayon KACCH4N.”
Samantala, nauna nang nag-post si Karla ng pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta sa kanyang anak.
Aniya, “Tapos na ang laban sa loob ng bahay ni kuya.
“Haharapin na ang totoong laban sa labas na mag papatunay ng tunay na kakayahan ng pagganap sa bawat palabas na matatanggap.
“Mas pagtuunan ng pansin ang hamon sa pag-arte bilang artista ng kapamilya network at bilang tao na may tapang at sariling paninindigan.
“Pagtuunan ang bawat trabaho na nakapila pagbutihin ang pagiging artista.
pagtagumpayan mo anak ang pangarap na matagal mo nang inaasam.
“Maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta, nag puyat, nag ambag at lumaban sa hamon ng pag papagod sa kaka-boto hangang sa makaalagwa!
MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!
“Nandito lang kaming lahat para suportahan, protektahan, alagaan at mahalin ka!
“MABUHAY ANG KAPAMILYA BIG WINNER LELLA FORD.”
Dagdag mensahe pa ni Karla…
“Patuloy lang sa pangarap anak. Asahan ang mga balakid na susubok ng katatagan mo. Ngunit tandaan, walang kasamaan na nag tatagumpay.
“Ang mahalaga, pagbutihin mo ang mga magiging trabaho mo at husayan pa ang talento sa pag-arte. makisama sa lahat at mag-enjoy lang anak sa mga hamon.
“Sama-sama tayong mag lalakbay patungo sa iyong tagumpay Le!
“Hangga’t maayos at mabuti ka, panalo ka!”

(ROHN ROMULO)