Nag-sorry ang TAPE dahil mahigit dalawang taon na…CHARIZ, ibinalitang nabayaran na sila ng 50% ng producer ng noontime show (ni: REY PINEDA)
- Published on August 19, 2026
- by Francis Paolo Torres
MATAPOS ang mahigit na dalawang taon, nabayaran na raw si Chariz Solomon at ang ibang host at staff ng dating show na “Tahanang Pinakamasaya”.
Sa isang panayam ni Boy Abunda para sa “Fast talk With Boy Abunda”, masayang ibinalita ni Chariz na 50% na ang naibigay sa kanilang dapat na sasahurin.
Banggit nga nito, okay na raw yon at least nandun yung effort na magbayad.
At hindi rin daw sila galit sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc, na siyang nag-produce ng nasabing noontime show.
Mas nanaig daw kasi ang pananalaping pangangailangan kesa sa frustration nila sa sobrang delay ng payment.
Inamin din ni Chariz na hindi naging madali para sa kanila ang gawin ang show dahil daily nga ito. Mas grabe ang demands nito at talagang naramdaman nila ang matinding pagod at stress.
Binanggit din ni Chariz na humingi ng despensa si Chairman dahil nga sa sobrang delay na nangyari. Hindi lamang nito nasabi kung sino sa mga Jolosjos ang chairman na kanyang nabanggit.
Sa bandang huli nagpasalamat pa rin si Chariz sa pamunuan ng TAPE inc, dahil isa karanasan daw ang hindi nila malilimutan habang ginagawa ang show.
Aminado naman ito na mas malaki ang bayad sa paggawa ng mga soap opera, kaya lang mas fulfilling daw ang naging role nila sa nabanggit na show.
***
SA kanyang ikalawang termino bilang Congressman ng unang distrito ng Quezon City mula noong 2022, naging consistent si Congressman Arjo Atayde bilang isa sa top ten legislators ng ating bansa.
Kamakailan nga, muli naman itong naisama sa talaan ng Top Ten Outstanding Legislators – Congressman ng Pilipinas 2026.
Sa kanyang dedikasyon sa public service, legislative excellence, at yung kanyang commitment sa kanyang komunidad ang tunay na kakanyahan nito sa pagiging isang responsableng liderato.
Dahil sa kanilang makabuluhang inisyatiba, integridad, at ang kanilang di natitinag na serbisyo para sa sambayanang Pilipino, ang TOLAwardees 2026 ay patuloy na nagbibigay ng positibong pagbabago at progreso sa knai-kanilang mga nasasakupang komunidad.
Marami tuloy ang nagtatanong, kung kailan daw muling masisilayan ang talento ni Congressman Arjo bilang aktor sa telebisyon at pelikula?
May nakapagbulong sa amin na namimili raw ito ngayon ng mga roles na makabuluhan.
Ayaw raw nitong gumawa ng isang proyekto na maisasantabi ang pangangailangan ng kanyang mga nasasakupang distrito.
Dahil nasa top priority niya ang masidhing pagnanasang lalong makatulong.