Nabigyan sana ng more time para alagaan ang ama: NIKKI, napakahusay at sobrang apektado sa mga eksena sa ‘Family Matters’
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
KUNG marami tinamaan sa nag-trending ng trailer ng pelikulang Family Matters na entry ng Cineko Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022, na humamig ng milyung-milyong views last month, hindi naman nabigo o nadismaya ang mga naunanang nakapanood noong araw ng Pasko.
Patuloy ngang pinipilihan at usap-usapan ang Family Matters na kung saan nagtagisan sa pag-arte sina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, Agot Isidro, JC Santos, James Blanco, Ian Pangilinan at Nikki Valdez.
Napakahusay ng pagkakasulat ni Mel del Rosario at pagkakadirek ni Nuel Crisostomo Naval, kaya malakas ng laban nila sa Best Picture, Best Director at Best Screenplay, bukod pa lalaban din ang buong cast sa acting category.
Sigurado rin na labis na natutuwa ngayon si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque na sa first day ng MMFF 2022 ay na sa Top 4 sila agad, at bali-balitang tumaas na nga dahil sa patuloy na sinusuportahan ng manonood.
Sa special preview ng Family Matters sa Gateway Cinema, na kung saan kasama naming nanood si Nikki, masasabi naming hindi talaga siya nagpakabog kina Agot at Mylene. Damang-dama talaga namin ang character niya bilang Ellen, at ang eksena nila ni Liza ang unang nagpatulo ng luha namin. Kaya bet na bet namin siyang magwagi ng Best Supporting Actress.
Kuwento naman ni Nikki, nag-cut na raw ang eksena nila ni Liza, pero umiiyak pa sila ng beteranang aktres, dahil masyado ngang maganda yun scene nila kaya dalang-dala sila.
Say pa ni Nikki, “ang background ng character ko talaga, before dumating si JC, kami talaga ang close. Parang I was the favorite until dumating si ‘menopause baby’.
“I think may pagka-real lang and organic yun scene namin nina Tita Liza, siyempre nanay and daugther.”
At kung mga part sa movie talaga siyang naiyak ay ang mga eksena ng award-winning actor na si Nonie, na matindi rin ang laban sa Best Supporting Actor.
Aminado si Nikki na sobra siyang naapektuhan at iniyakan talaga niya.
“I wish I have more than time to take care of my dad. I lost my dad in 2015. Kaya everytime na lumalabas ‘yun eksena ni Tito Noni, naiiyak ako.”
Wish lang namin na mas marami pang pami-pamilyang makapanood ng Family Matters, ganun din ang mga kabataan ngayon, na tiyak maraming tatamaan at matututunan. Dahil sa pelikulang ito na worth talagang panoorin, mas lalo pa ninyong mamahalin ang inyong mga magulang.
(ROHN ROMULO)