• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorista, pinaiiwas ng Quezon City LGU sa ruta ng MMFF Parade of Stars

PINAYUHAN   ng Quezon City Government ang lahat ng motorista na iwasan ang ruta na pagdarausan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 sa Miyerkules, Disyembre 21, 2022.

 

 

Nabatid na magsisimula ang parada ganap na alas-4 ng hapon.

 

 

Ang ruta nito ay Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle, QC.

 

 

Nabatid na isasara simula alas-3 ng hapon ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon hanggang Mabuhay Rotonda.

 

 

Bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang mga floats.

 

 

Payo ng QC LGU, sa gabi ng Disyembre 20, Martes, ay dapat na iwasan ng mga motorista ang E. Rodriguez Avenue mula Banawe hanggang Mabuhay Rotonda na magiging staging area para sa float ng mga pelikula.

 

 

Sasakupin anila nito ang isang lane ng westbound habang bukas naman sa trapiko ang eastbound direction.

 

 

Dahil dito, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga lugar at dagsa ng mga manonood.

 

 

“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta,” anito pa.

 

 

“Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.” (Daris Jose)