• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 6:39 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

METRO MANILA COUNCIL IDINEKLARA ANG STATE OF CALAMITY SA NCR

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inirekomenda ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pagdedeklara ng State of Calamity sa buong Metro Manila, NCR.
Ito ay dahil sa matinding epekto ng super bagyong Carina na pinalakas pa ng hanging Habagat.
Ginawa ni Secretary Abalos ang kanyang rekomendasyon sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa NDRRMC.
Ayon sa Pangulo, nakatakdang mag -convene ang Metro Manila Council upang pagtibayin ang pagdeklara ng state of calamity.
Dagdag pa ng Presidente, nauubos na rin ang reserved funds ng mga local government units kaya kailangan na nila ng tulong mula sa national government.
Bukod sa Metro Manila, magdedeklara din ng State of Calamity sa Calabarzon region.
Sa panayam kay Abalos, sinabi nitong malaking bahagi na ng Metro Manila ang lubog sa baha lalo na sa CAMANAVA area partikular ang Caloocan, Malabon at Navotas.
Ngayong naideklara ang state of calamity, magagamit ng mga LGU ang kanilang calamity fund. (Daris Jose)