May mga natuwa at nainis din sa kanyang viral post…PAULO, desididong iwan muna ang showbiz para sa kinababaliwang video games (ni: REY PINEDA)
- Published on August 31, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAY ikinagulat ang mga fans at social media followers ni Paulo Avelino.
Kamakailan ay nag-post ang aktor na mula sa October 31, 2026, ipinatitigil niya ang lahat ng mga dapat niyang gawing projects.
Kasama rito ang paglabas sa pelikula, teleserye pati na ang kanyang mga endorsements.
Marami ang nagtaka at agad nagbigay ng kani-kanilang opinyon.
Isa na rito ang sinasabing pagbubuntis ng kanyang partner na si Kim Chiu.
May kinalaman nga kaya ito sa sinasabi ng aktor na temporary leave niya mula sa showbiz?
Ayon pa sa post ni Paulo muli siyang masisilayan ng mga followers at fans niya sa March 2027 na.
Ang nakakaloka pa, hinamon pa nito ang mga sponsors na idemanda siya.
Mas lalong nagulantang ang mga fans nito, Samu’t saring konklusyon ang naglabasan.
Natigil lamang ang isyu dahil sa karagdagang post na ibinahagi ng aktor.
Ang dahilan, ilalabas na ang “Grand Theft Auto 6” at “Path of Exile 2” sa November 19, 2026 at December 11, 2026, ayon sa pagkakabanggit.
Ito pala ang kinahuhumalingan ni Paulo ang mga video games.
Buong akala ng kanyang mga fans ay totoong pansamantala itong namamaalam sa mga showbiz projects nito.
May mga natuwa, pero may mga nainis din sa biro ng aktor.
***
KASAMA si Enchong Dee sa first day ng concert ni Yeng Constantino na “Biyaheng Bente” noong August 28, 2o26 sa Smart Araneta Coliseum.
Naimbitahan si Enchong dahil siya ang original na “chinito” sa music video na lumabas 13 years ago.
Kumbaga, isa ang aktor sa mga mahahalagang tao sa buhay ni Yeng sa music industry sa loob ng dalawangpung taon. Nakakatuwa.
Pero mas may nakatutuwang post itong si Enchong kamakailan lang.
Nag-viral ang post nito ng ipakita na nasa isang ospital at nag-vlog.
Sa Bamungrad Hospital sa Bangkok ang location.
Ayon kay Enchong gusto raw niyang masiguro na talagang healthy siya, sa edad niyang 37.
So, natapos ang check-up, napatunayan naman niyang healthy naman siya, though medyo mababa yata ang blood pressure.
Ang nakakatawa, binanggit nitong mas mura ang check-up sa nasabing best hospital daw sa Thailand.
Marami tuloy ang nagkomento, magkano ba ang airfare papuntang Bangkok? Magkano ang hotel accommodation niya, pagkain at iba pang gastusin?
Nakatipid nga ba ito? E, hindi naman daw major illness ang ipinagamot. Regular check up lang.
Wala naman daw surgery na nangyari o kung anupamang malalang sakit na kinailangang sa isang popular na ospital magsadya.
Ano kaya ang ibang dahilan? May mga nagbiro tuloy na baka raw may ibang sekretong pinakonsulta si Enchong.
Nataon ba na nasa Thailand ang aktor o sadyang kapritso lang?