Mas mataas na sahod at suporta sa mga guro, panawagan ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno
- Published on October 6, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA PAGDIRIWANG ng World Teachers’ Day nitong Lunes, nanawagan si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa mas mataas na sahod at suporta sa mga guro.
Ayon kay Diokno, mahalagang papel ang ginaganapan ng mga guro sa paghubog ng buhay ng mga estudyante sa gitna ng paghihikahos.
“Kasabay ng pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga guro sa ating lipunan, dapat samahan natin ito ng karampatang suporta para sila’y makapamuhay nang disente, pati na ang kanilang mga pamilya,” sinabi ni Diokno.
Dahil sa kahirapan at kakulangan ng sapat na suporta, maraming guro ang minabuti na mangibang bansa o gumawa ng ibang pagkakakikitaan, sabi ni Diokno.
“Kung nais nating magkaroon ng de-kalidad na edukasyon, kailangan din nating tiyakin na maayos ang kalagayan, sapat ang sahod at suporta para sa ating mga guro,” Diokno said.
Naunang inihain ng Akbayan partylist ang House Bill No. 7649, o “Dagdag Sahod for Public Basic Education Teachers and Employees Act,” kung saan itinatakda ang across-the-board increase of P15,000 in three tranches, ang basic monthly salary ng lahat ng teaching at non-teaching personnel sa public basic education.
Inihain din ang Akbayan ang House Bill No. 7648, o “Healthy Buhay at Hanapbuhay para sa Guro Act,” na magbibigay ng komprehensibong hospital, healthcare at wellness benefits sa mga guro ng elementary at secondary school kabilang ang kanilang mga declared dependents.
“Hindi lamang dagdag sahod ang kailangang suporta ng mga guro. Kailangan din nating tiyakin na may access sila sa healthcare at iba pang serbisyong makatutulong sa kanilang kalusugan at kapakanan,” dagdag ni Diokno.
(VINA de GUZMAN)