• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 6:40 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manggagawa ng POGO, alis na- BI

SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na lahat ng manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) and Internet Gaming Licensees (IGLs) ay kinakailangan ng umalis sa bansa sa loob ng 60 na araw.

 

 

Ang hakbang ay bunsod sa direktiba ni President Ferdinand “Bong Bong” Romualdez Marcos, Jr.na ipagbawal na ang POGO sa panahon ng kanyang termino nitong ikatlong State of the Nation Address last July 22.

 

 

“Disguising as legitimate entities, their operations have ventured into illicit areas furthest from gaming such as financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture, even murder,” sinabi ng Pangulo.

 

 

Sinabi pa ni Tansingco na ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO at IGL at mga kahalintulad na service providers ay binibigyan ng 59 araw na huminto na sa kanilang ugnayan at umalis na ng bansa.

 

 

Inaasahan nila na tinatayang 20,000 na mga dayuhang manggagawa sa industriya na umalis na ng bansa sa susunod na dalawang buwan.

 

 

Ayon pa kay Tansingco na ang mga nakabinbin at mga bagong aplikasyon ng visa para sa POGO at IGL workers ay hindi na tatanggapin ng BI.

 

 

Sinabi pa ni Tansingco na mayroon silang listahan ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO at IGL na nagmula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

 

 

Binalaan din niya ang mga lumalabag ay isasailalim sa deportasyon at inutusan ang intelligence division and fugitive search unit na arestuhin ang mga ito. GENE ADSUARA