Malapitan, Sandoval, Tiangco, Gatchalian kabilang sa Top-Performing and Most Trusted City Mayors sa bansa
- Published on July 23, 2026
- by Francis Paolo Torres
KABILANG ang mga alkalde ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities sa pinakabagong “Boses ng Bayan” Index of Governance (IOG) Trust and Performance Ratings, na nanguna sa listahan ng mga top-performing and most trusted city mayors sa bansa, batay sa isinagawang survey na inilabas noong Hulyo 20.
Ang mga ranking na inilabas ng RPMD Foundation Inc., ay tinasa ang city mayor sa buong bansa gamit ang pinagsamang trust at performance ratings sa ilalim ng “Boses ng Bayan” Index of Governance nito.
Sa ilalim ng proseso ng kwalipikasyon, ang mga alkalde ng lungsod ay unang sinuri ng kani-kanilang mga nasasakupan at kinailangang lumabas sa mga top-performing, most trusted local chief executives sa kanilang mga rehiyon bago sumulong sa national assessment.
Nanguna sa top-ranked si Quezon City Mayor Joy Belmonet na nagtala ng IOG of 88.73%, with 88.52% trust and 88.94% performance; kasunod sina Candon City Mayor Eric Singson na may 88.45% IOG, 88.30% trust, and 88.61% performance; Naga City Mayor Leni Robredo na may 88.08% IOG, 87.90% trust, and 88.26% performance; Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na may 88.02% IOG, 87.85% trust, and 88.20% performance; at Navotas City Mayor John Rey Tiangco na may 87.78% IOG, 87.62% trust, and 87.95% performance.
Sa second-ranked, nanguna naman sina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na may 86.98% trust and 87.33% performance, at Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na may 87.01% IOG, 86.75% trust, and 87.28% performance na sinundan ng iba pang mga alkalde sa iba’t-ibang lungsod sa bansa na kasamang kinilala ng RPMD Foundation Inc.
Ang independent, non-commissioned survey ay isinagawa noong Abril 2026, na may 5,000 rehistradong botante na sumasagot na random na nakapanayam sa bawat rehiyon sa lahat ng socioeconomic classes. Ang mga respondent ay timbangin nang proporsyonal sa bilang ng mga rehistradong botante sa bawat lungsod at mga barangay nito upang matiyak na ang mga resulta ay tumpak na sumasalamin sa mga damdamin ng kani-kanilang mga nasasakupan.
Nagpasalamat naman sina Malapitan, Sandoval, Tiangco at Gatchalian sa kanilang mga nasasakupan sa ibinigay na tiwala sa kanilang kakayahanna dahilan upang makamit nila ang mataas na job performance rating.
Samantala, kabilang naman si Lone District Navotas City Congressman Toby Tiangco na nanguna sa performance sa Top-Performing and Most District Representatives sa bansa, sa isinagawa ring survey ng RPMD Foundation Inc. na inilabas noong Hulyo 20 matapos makakuha ito ng 88.70% in IOG, 88.51% in trust, and 88.90% in performance.
Nakasama rin si Caloocan City 1st District Congressman Oscar ‘Oca’ Malapitan na nakakuha ng 86.47% IOG, 86.32% trust and 86.63% performance. (Richard Mesa)