Malaking halaga ang nawala sa kanyang bank account…KYLINE, umamin na naging biktima rin ng online scam (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on July 23, 2026
- by Francis Paolo Torres
TARGET talaga ng mga scammers ang mga artista.
Tulad na lamang ni Sparkle actress Kyline Alcantara na mismong nagbahagi ng karanasan niya na mabiktima ng malaking pera sa isang online scam!
Nagsimula ito sa isang mensahe sa kanya na sinabing may problema diumano ang kanyang bank account.
“Meron pong email and text message na may link po.
“Ang nakalagay po dun sa text message is parang may problema daw po sa aking bangko.
“So ‘Click this link’ para maayos.
“So I clicked it and parang napunta po sa ibang website. And then parang okay, so inalis ko na lang po siya agad,” pagbabahagi ni Kyline sa recent guesting niya sa “Fast Talk With Boy Abunda”.
Doon na niya na-realize na may problema.
“And then when I checked the bank app, biglang parang nabawasan yung pera ko. Yun na po pala yun.’ Nabawasan po ang aking pera.”
Hindi na inihayag ni Kyline kung magkano eksakto ang malaking halagang nawala sa kanya.
“Malaki pa rin po yun. Pangkuryente ko po yun e.”
Hindi raw niya malaman ang kanyang gagawin sa mga sandaling iyon.
“Kasi I panicked also na parang, ‘Diyos ko, baka maaresto ako, meron palang problema sa bank ko, baka kung anong mangyari’.”
Lesson-learned para kay Kyline? Maging super-ingat lalo na kapag gumagamit ng public Wi-Fi.
“Sobrang delikado!
“Meron nga pong sinasabi pa nila na just be careful if you want to connect to the Wi-Fi, to the public Wi-Fi.
“Tapos bubuksan mo yung bank app mo, kasi baka puwede rin nilang pasukin yun. Sobrang daming ways na po.”